Begin Again

begin-again

Sa oras at panahon na ‘to, dito ako huling humiling sa’yo na bumalik ka. Pero, mas pinili mo ang mga salitang “”Ayaw ko na””.

Isang bagay lang ang nagagawa ko. Umiyak, humagulgol, sumandal nalang sa pader dahil alam kong wala akong magagawa. Kasabay nito ay ang unti-unting panghihina ng katawan ko dahil unti-unti din akong nasisira at nawawasak. Unti-unti akong binubugbog at pinapatay.

I remember, the first time I saw you, I never thought life could be more exciting. I love every inch of you, our moments, our time, our bondings together. Minahal ko din ang compatibility natin dahil we have our same likes and dislikes. Because of you, I started believing in myself, doing confidently, dahil alam kong nandyan ka para suportahan ako sa mga gagawin ko. Because of you, I started being brave.

But today, I realize to stop bothering you. I have decided to let you be, and give the space you wanted for.

I am not your cheerleader anymore. I can’t now cheer you kung sakaling pressured ka sa lahat ng nangyayari sa’yo. Pero alam kong kaya mo ang lahat ng bagay. You are by far, the bravest person I’ve ever met.

I am not your happy pill anymore. Kahit pa madalas, sakit mo ako sa ulo dahil sa kakulitan na meron ako. But we chose to bared our souls together. Forever.

Now tell me, sabi nga, “”How do I unwrite the past? How do I undo the mistakes? How do I unlove you?”” Baka nga lang talaga, hindi tayo para sa isa’t isa. Baka nga, sabi nila, pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.

Sana magawa mo na ang lahat ng gusto mo. Pangarap, ambisyon, ang vision na sinabi mo sa akin para sa future mo. Alam kong ito na din ang panahon para masiguro mo ang taong makakasama mo habambuhay.

Mahal na mahal na mahal kita. At kailanman, hindi magbabago at mawawala ‘yun. Maghihintay ako, sa pagbabalik mo. Na muli mong sasabihin sa akin ang nga salitang “”mahal na mahal pa rin kita””. Maghihintay ako, hanggang sa huling hininga ko.

Ex-Cheerleader

MassComm

University of Santo Thomas
Link: https://www.facebook.com/USTFiles/posts/1240697199308370