LIPSTICK

Lipstickk

HAHAHAHA! Ako lang ba yung may girlfriend na sobrang adik sa lipstick at kung ano anong make up? Yung girlfriend ko! Nagparinig saken! Sabi niya

“Babe kung reregaluhan mo ako! MAC Lipstick na lang! Yung original ha! Yung sa moa nabibili or sa sm aura! Hindi sa online shop! Alam kong sobrang generous mo or Chanel cosmetics”

Napansin ko kasi hindi talaga nagpapabili ng kung ano ano tong babaeng to saken pag nasa mall kami kahit pagkain pag ililibre ko siya ayaw niya unless pag magkaaway kami peace offering ko yung jollibee or mcdo.. Pero ang nakakatuwa talaga hindi siya nagdedemand saken na “Babe bilhan mo ako ng ice cream” to the fact na pag pagkain okay lang bibilhan ko siya kasi kahit tumaba siya okay lang basta pagkaen kaso hindi palademand ng kung ano ano, pero lintek make up!

Kaso kasi everytime na pupunta kami ng MOA una naming pupuntahan yung MAC Cosmetics at nakakagastos siya ng 5k para sa make up na yan. Tapos tambak sa bahay nila! Eh di nasayang ang pera!

Ayun nga nung nagparinig! Malapit na yung 1st anniversary namin. Nagyaya siya saken magpunta ng sm aura para mamasyal at bibili daw ng lipstick! Pero di ako pumayag at nag cause yun ng tampo niya sabi ko may school works kaming gagawin. Pero ang totoo pupunta ako para bumili ng regalo sakanya.

I went to MOA with me myself and I! And nagpunta ako sa mac lipstick na yan! Hiyang hiya ako pumasok mag isa don baka isipin na bakla ako! Yun na ata pinaka nakakahiyang nangyari sa buhay ko bukod sa pagbili ng napkin niya..

Pumili ako ng lipstick na kung ano ano! 7 colors binili ko at 3 na facepowder! Jusko yung saleslady napagkamalan ako na bading! Dahil tinatry ko sa kamay ko yung mga kulay na babagay sa girlfriend kong abnormal.. napakamahal ng MAC hoy! Nakagastos ako ng not less than 7k for her! Handa akong magbakla baklaan para lang sakanya! At gumastos ng make up for her, Dahil alam kong make up magpapasaya sakanya at dahil na din sa kulang pa tong mga to sa mga binigay niya saken sa mga bagay na sobrang mahal na binigay every month, na hindi naman kailangan at pag tinanggihan ko magagalit pa.

To my girlfriend, nakita na kitang hindi naglagay ng make up. Maganda ka naman eh kaya nga ikaw girlfriend ko diba? Wala ng hihigit pa sayo. Sa totoo lang ayokong nag mmake up ka kasi ang daming tumitingin sayo pag lumalabas tayo agaw atensiyon yung ganda mo pag nag aayos ka. Pwede ba gulo gulo na lang yang buhok mo tapos hindi ka na mag aayos? Alam ko namang idadahilan mo na kaya ka nag aayos para sayo lang ako nakatingin eh.

LIPSTICK BOY
College of Tourism and Hospitality Management
(CTHM)

#Fun

August 10,2016
De La Salle University РDasmari̱as Secret Files
Link: https://www.facebook.com/DLSUDSF/posts/597290660452777