Love The Hurt Away

Love-the-Hurt-Away

‘Di ko maiwasang maitanong sa sarili ko kung bakit may mga taong tila ang swerte dahil nasa kanila na ang lahat, mahal ng parents, madaming kaibigan, nakakapag-aral sa magandang eskwelahan. Halos lahat ng gusto nakukuha nila, pero bakit tila sila yung ayaw? Sila yung parang walang pake? Habang may mga tao na nagnanais na magkaroon ng gano’ng klaseng buhay. Isa ako sa mga nagnanais na magkaroon nun. Hindi ideal ang pamilya ko. Ayaw ng mama at papa ko sa’kin, pero ginawa ko naman lahat para magustuhan nila ako, pero hindi pa rin sapat, binubugbog, pinapalayas, minumura, pinapahiya sa harap ng madaming tao pero kahit kailan hindi ako sumagot.

Tahimik lang ako dahil kahit baliktarin ang mundo, mga magulang ko pa rin sila. Ni minsan hindi ko pa naririnig sa kanila na mahal nila ako, pero kahit ganun man, hindi ako sumuko, nag-aral ako ng mabuti. Since Elementary to high school honor student ako, valedictorian, akala ko magiging proud sila sa’kin pero wala pa rin silang pake. Mag-isa akong umaakyat sa stage para kunin ang medal o diploma ko.

College na ako ngayon, hindi ko tinuloy ang scholarship ko sa US at Ateneo kasi ayaw ng mama ko, ‘wag daw akong magpakalayo, ta’s yun pala ayaw niya rin akong pag-aralin. Kaya ako na lang ang nagpapaaral sa sarili ko. Dean’s lister ako sa University namin kaya sagot na ang half tuition ko ng school.

Working student ako, tuwing may vacant, pumupunta ako sa mga faculty sa University namin para maglinis o gawin kung ano mang iutos sa’kin. Pagkatapos naman ng last subject ko, pupunta ako sa college building namin para linisin ang mga silid, lima kaming tagalinis nun. Pagkatapos, pumupunta ako sa eatery ng tita ko para maghugas ng mga pinagkainan, libre na ako sa hapunan dun at uuwi na ako sa bahay na may naghihintay na sermon at mga gawaing bahay. Swerte na ako kung pag-uwi ko tulog na sila. Ewan ko ba kung bakit sinalo ko lahat.

Meron naman akong mga nakatatandang kapatid, kasi ako ang bunso, pero ang ate ko feeling prinsesa lagi sa bahay, bulakbol pa sa skwela. Siya pa ang tila paborito nila. Ang dalawang kuya ko naman may sarili ng pamilya at ayaw na magpaistorbo sa buhay nila. Kaya wala akong choice.

Nung first year college ako, may nagustuhan akong babae, pero ayaw n’ya sa’kin, may mahal siyang iba at sabi niya layuan ko na raw siya. Ma-effort naman ako pero ‘di niya alintana, kaya tinigil ko na lang. Inalis ko na lang sa isip ko ‘yun, iisipin ko na lang ang lovelife ‘pag successful na ako. Sa sitwasyon ko ngayon hindi muna importante sa’kin ang pagmamahal. Tutal hindi naman ‘yan nakakain, hindi rin pwedeng pambayad ng tuition. Marami akong kilala, nagmamahalan nga pero hindi naman umaasenso buhay nila.

Magfofocus na lang ako sa sarili ko. Pati sa mga pangarap ko. Pangarap ko na ‘pag nakatapos na ako ng pag-aaral at naging successful na, gusto ko makatulong sa ibang tao, yung mga walang makain, yung hindi makapag-aral at walang tirahan. Gusto ko maging humanitarian o philanthropist.
Sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay, natutunan kong tanggapin lahat, maging kuntento, maging matatag. Ika nga imbis na mag-give up ka, just love the hurt away.

Sa Mama at Papa ko, mahal na mahal ko po kayo, at dun sa babaeng minahal ko, mahal pa rin kita kahit masaya na kayo ng mahal mo, okay lang, basta masaya ka.

Sa inyo na nagbabasa, ano mang dagok na dumating sa buhay niyo ‘wag kayong mawalan ng pag-asa, manalig lang kayo lagi kay God.

Ice

Other

#Love
#Hugot

University Secret File
link:httpsook.com/USecretFiles/posts/175045003189://www.faceb4919