movie scene

movie-scene

Ako yung tipo ng babae na mahilig manood ng Romantic films, ito rin siguro ang dahilan kung bakit masyado mataas ang expectations ko pagdating sa love. Masisisi niyo ba ako? Sa mga movies ang perfect lagi ng scene, boy meets girl, fall in love, conflicts tapos heartbreak then reconcile. May ganun din kaya sa totoong buhay? sa iba siguro oo, sa iba naman nganga.

I met this guy na kung titignan mo ay parang bida sa mga movies na pinapanood ko, tall, dark, handsome, matalino, myteryoso, mabait medyo korny nga lang (shit nasa kanya na ata lahat ng qualities ng ideal guy ko). Yung pagka mysterious niya yung talagang nakaka attract para bang ang puso ko ay gawa sa bakal tapos siya magnet sobrang bilis ng pintig ng puso ko pag andyan siya. Pero syempre hanggang tingin lang ako sakanya, di ko mainindihan bat ganun ang nararamdaman ko pag siya ang kaharap.

One time nasa may plaza ako sa Macabebe kumakain ng dynamite (shoutout kila ate na masarap ang sauce), super lamon ako bes tapos napansin ko nandun siya nakatayo, paking tape nakita niya kaya gaano ako kalakas lumamon nakakahiya talaga. Syempre dahil alam ko nandoon siya nagpaka sophisticated ako ng konti. Biglang bagsak ng malakas na ulan (wooohh timing naman diba) may dumating na sundo ko, nakita ko sya nakasilong at tila walang payong so lumapit ako.

Alam mo yung feeling mo ang ganda mo, bumubuhos yung malakas na ulan tapos nakatitig ka sa taong gusto mo (eye contact bes!! eye contact!!) Ganitong ganito yung eksena sa movie na pinapanood ko, ang kaibahan nga lang ako ang lumapit sakanya para iabot ang payong ko.

Me: Hala basa kana ang layo pa ng bahay mo
Siya: Ok lang may baon naman akong damit, sige inaantay ka ng sundo mo
Me: d ok lang, o pahiram ko na sayo yung payong ko may sundo naman ako
Siya: nakakahiya wag na, ok lang ako
Me: sige na ok lang yan, may sundo ako, ikaw malayo kapa
Siya: Thank you sige balik ko nalang sayo sa school

Shit, shit, shit talaga sobrang kinikilig ako kahit ganun lang, It was like a movie scene, yung bang parang nagslow motion lahat pati yung patak ng ulan, tapos biglang may spark na nagyari (d ko alam kung kidlat yun) super intense kahit para sakin lang haha.

Pero syempre It was like a movie scene the way I felt for him, only he didn’t fall now it’s not like the movies at all.
MorbidDreamer
BSED III

Pampanga Colleges Confession
Link: https://www.facebook.com/PC.Confessionss/photos/a.173784506377293.1073741828.171329403289470/173970283025382/?type=3