“Suko na”

suko-na

Inamin ko sa pamilya ko na tomboy ako. 21 years old na ko ngayon. As expected, nagalit sila lalo na yung Lola ko. Sinisisi pa niya yung mga kaibigan ko na tomboy dahil dun daw ako nagaya.

Binitbit niya ko pabalik ng Tokyo at pinakasal sa anak ng kaibigan niya. Si Hiroshi. Japanese-Filipino din kagaya ko. He’s 7 years older than me at isa siyang Architect.Gwapo siya. (Pero mas gwapo ko)
Gusto kong sigawan si Lola sa pinag gagagawa niya pero hindi ko magawa ayokong masaktan ko yung damdamin niya. Pag ganun kasing may edad na sensitive na sila. Tss. Sino naman kasing hindi maaasar diba? “Tomboy ako lola! Tomboy! Gusto ko isda! Hindi talong! Naman oh” yan gusto kong isigaw sa kanya. Pero wala e wala akong magawa. Iniyakan ko na siya at halos lumuhod na bago pa man kami mapuntang Tokyo pero ano? Hindi man lang niya inunawa. Ang sinasabi lang niya. “No. My decision is final. Alam ko makakabuti sayo to at magugustuhan mo din balang araw yung ipapares ko sayo” -.-

Naikasal na kami at dito sa Boracay yung honeymoon namin. Dito kami for 2 weeks. Sinabi ko kay Hiro na wag siyang mag eexpect sakin sinabi ko din na hindi kami talo. Nginingitian niya lang ako ng pagkatamis tamis na nakakapag pa taas ng balahibo ko. -_-

1st night. Nasa dalampasigan ako mag isa at nakatingin lang sa langit nung tumabi sakin si Hiro tapos nagulat ako sa sinabi niya.

“For me napaka halaga ng kasal. Napaka sagrado nito kaya dapat talagang nagmamahalan yung mga taong kinakasal kasi parang kabastusan naman yata kung walang pagmamahal na namamagitan pero magpapakasal pa din” speechless ang drama ko. Ibig kong mag Amen! Pero walang lumalabas sa bibig ko wew.

“Pero alam mo ba kung bakit ako pumayag na magpakasal sayo?” Todo ngiti siya niyan.

Ako? Nganga. Nag aalburoto sa kaba yung puso ko gahd!

“Kasi nung unang kita ko palang sayo nafeel ko na agad na ikaw yung karapat dapat na maging ina ng mga magiging anak ko. Nung sinabi nga sakin ng parents ko na ikakasal na ko sa apo ng kaibigan nila nagalit ako kasi syempre ang tanda ko na! Hindi man lang ako nakapag desisyon ng para sa sarili ko. Pinangunahan nila ko pero nung nakita kita parang gusto ko na ngang bukas na bukas din ikasal na agad tayo hahahaha ang ganda ganda mo kasi”
Ohlala. Yung tawa niya mamen! Sarap sa pandinig. <3

“Nagulat nga ako nung sinabi mong tomboy ka, hindi kapani-paniwala kasi ang girly mo masyado manamit tapos nagmamake up ka pa pero nung nagsalita ka ayyyy sana di nalang nagsalita hahahaha”Homaygas. Yung tawa talaga niya.

Nung time na yan lutang ako. Pero unti-unti ding nag sink in sakin lahat. Oh dyos ng mga tibo! Kakalas na ba ko? -_-

“Psst magsalita ka naman” kalabit niya sakin.

Hindi ako kumibo. Natatakot akong aminin sa sarili kong may attraction nga talaga between the two of us. First time kong maramdaman to sa isang lalaki. Iba yung ngiti niya e. Ibang iba. Napaka ganda. Napaka amo. Yun bang ayokong maging isang malungkot na ngiti yun gusto ko yung masayang ngiti lang palagi at punong puno ng sinseridad. Wala pang 1 year ko siyang kilala pero feel ko parang sobrang tagal na. Last 2 days na namin dito sa Bora. Patuloy pa din siya sa pagiging sweet niya sakin. Sa mga nagdaang araw masaya kami bilang parang magkaibigan. Iniiwasan ko talaga mapunta kami sa usapang nakakapag pakaba sakin. Iniiwasan ko baka kasi maamin ko sa kanya na nagugustuhan ko na siya at sumurrender na ko ulit sa kampo ni Eva. -.-

Japayuki
BSN

UP-Diliman

University secret confession

Link:https://www.facebook.com/USecretFiles/posts/1756314504641805