Sumpaang Kasal

sumpaang-kasal

Maaga akong gumising para sa espesyal na araw na ito
Masaya at excited akong bumangon sa akong higaan
Ginayak ko na lahat ng isusuot ko ng gabi pa lamang

Sinuot ko ang barong na binili natin at iyong nagustuhan
Sinalubong ako ng aking magulang pagkababa ko ng aking silid
Nangingilid ang kanilang luha habang nakatitig sa akin
Ako’y napa ngiti na lamang

Sumakay na ko ng sasakyan papuntang simbahan na ating napag kasunduan
Madaming tao ang sa atin ay naghihintay
Nakangiti silang lahat sa akin
Pigil ang luha na kanilang tinitimpi
Pumasok na ko at tumayo sa altar

Inaantay ko na ang pagdating mo Mahal
Lumapit sa akin ang aking matalik na kaibigan
Sabay sabing “siguradong magiging masaya sya at magiging masaya ka din naman”
Tinapik nya ko sa aking balikat at muling bumalik sa aking likuran

Biglang tumayo na ang lahat
Bumukas ang pinto ng simbahan
Tanaw ko kayo ng iyong Ama
Inaaninag ko kayo sa aking harapan

Pilit kong nilakihan ang ngiti sa aking labi
Malapit ka na sa aking tabi..
Pigil ang iyak ng mga tao sa paligid ngunit luha nila’y patuloy sa pagdaloy sa kanilang pisngi
Hanggang sa ikaw ay naihatid na sa akin ng iyong pamilya
Kinamayan ako ng iyong Ama

Niyakap nya
At sabi “”alam kong mahal mo talaga sya””
Sabay patak ng luha sa kanyang mga mata
Nakangiti ako buong sandali
Ayokong makita mong umiyak sa ganitong sandali
Lumapit ako sayo Mahal…

Yumuko ako
Hinalikan ko ang salamin sa ating pagitan
Bumulong ako sa iyo

“Tinutupad ko ang pangako ko sayo,
Ang sumpaang kasal na pangarap mo”
Di ko napigilan Mahal..
Napaluha ako,

Habang nakatingin sa iyong nahihimbing sa pagkakatulog.

StillYours
College of Tourism and Hospitality Management
(CTHM)

Link:https://www.facebook.com/DLSUDSF/posts/684695635045612