A Second Chance

I was your student and you were my prof. Honesty, I was a lazy student yung tipong Happy go lucky lang. More on gimik, happy thurdsday yung kapag may exam lang nag-aaral at umaasa sa tres kumbaga bahala na si batman. You became my professor for one semester at ayun lagi akong pasaway sa klase mo. Ako yung laging late at laging maingay. Lagi ka ngang napipikon sa akin at ganun din ako sayo so ang ginagawa ko lagi kitang pinipikon. Gwapo ka, matalino at mabait kaso may girlfriend ka na. Hindi ko namamalayan na inlove na pala ako sa proffesor ko.

So I did all my best para lang mapansin mo. But this time in a good way nag-aral akong mabuti. Hanggang naperfect ko yung mga exams mo. Lagi akong nagrerecite at pinaghahandaan ko lahat ng projects na binibigay mo sa amin in a way na ako yung laging highest. Until I became one of the top students in your class. From being enemies we became friends in facebook and into real life. Hindi ko ineexpect na mafafall in love ako sa isang professor na katulad mo. Six years ang gap natin sa isat’isa not bad naman diba?

Masaya akong kakwentuhan ka sa fb at ako pa nga ang nag-iistart ng convo hanggang sa maubusan ako ng topic at mag-goodnight na tayo sa isat’isa. Hanggang matapos ang sem malungkot ako kasi hindi na kita madalas makikita. Yung inspirasyon kung bakit ako gumigising ng napakaaga at nag-aaral ng mabuti hindi ko na laging masisilayan. Madalang na pala ako gumimik maghappy thursday dahil sayo. Salamat sa mga payo mo at hindi na din ako naging happy go lucky. Maraming nanliligaw sa akin pero wala ikaw yung gusto ko pero sino ba naman ako para gustuhin mo at alam kong estudyante mo lang ako. Binalikan ako ng ex ko at naging kami ulit.

Masaya naman ako pero hindi na katulad ng dati nawala na yung sparks at hindi masaya tulad na kapag ikaw ang kausap at kasama ko. One day, nahuli kong may babae yung boyfriend ko na dapat ay mamahalin ko na siya ng buong buo at kakalimutan ka na. Ang sakit sakit sa part ko na you are now ready to give your everything to him but it was not enough. So bumalik ako sa dating ako, bumalik sa paggimik at duon nakita kita umiinom. Ayun, nagbreak pala kayo ng girlfriend mo at ang dahilan hectic ang schedules na hindi niyo na nabibigyan ng time ang isat’isa. Sobrang lungkot mo that time that you can’t accept the fact na hiwalay na kayo ng first girlfriend mo.

Ako naman malungkot dahil wala na kami ni ex. Nag-inuman tayo nuon. I was crying to you. At sabi mo we can do this, we can move on. You were my crying shoulder that time at first ko pa lang umiyak sayo dahil nga alam mong matapang ako na lagi kang napipikon sa akin.

Ikaw din umiyak nun. At naging sandalan natin ang isat’isa sa panahon na bigong bigo at wasak na wasak ang ating mga pusong sawi. Lalo akong nainlove sayo nun sa mga kabutihang ginagawa mo sa akin. Hanggang lagi tayong sabay kumakain sa Dapitan minsan sa Lacson o saan man tayo dalhin ng ating paglalakad. Palagi na tayong magkatext.

Hanggang lumalim yung pagtitinginan natin sa isat’isa. One day nagulat ako at umiwas ka na sa akin. Pinag-uusapan na pala tayo sa building natin at alam naman natin na bawal yung treatment na ginagawa mo sa akin. Nalungkot ako that time so naghanap na lang ako ng ibang way para makalimutan yung lungkot na yun. Hanggang nalaman kong nakikipagbalikan yung ex mo sayo at ako naman may bagong manliligaw. Graduating na pala ako kaya sabi ko sana pagkagraduate ko makita ulit kita kung pwede man. Napaisip ako na baka ito nga ang ating tadhana, tadhanang wakasan ang pag-sasama.

One day in Makati, nakasalubong kita syet ang gwapo mo pa din mas lalo pumogi. At we had a dinner together hanggang napadalas at nagmovie na rin tayo. Kwinento mo na kinasal na yung ex mo at di mo na siya tinanggap kasi may mahal ka ng iba. Ako naman sabi ko masaya na ako kung anong mayron ako ngayon. Infact inamin ko pa nga sayo na gusto kita dati knowing na wala na yung feelings na yun so I felt free to tell you. Sabi ko sino naman sir ang bago mong gusto? Mas maganda ba sa akin? A

nd you said wag mo na nga akong tatawaging sir wala na tayo sa campus magkaibigan na tayo. At sinabi mo no kasingganda mo siya kasi ikaw yun ikaw yung gusto ko dati pa dati pa na naiinis ako sayo dahil sa pagiging pasaway mo pero alam kong malabo alam kong bawal yun dati. Nagulat ako sa pag-amin na ginawa niya sa akin.

Sinabi niya na alam niya naman na matagal na may gusto ako sa kanya at halata naman yun sa mga gestures ko. Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko sa kanya pero at that moment sobrang bilis ng tibok ng puso na hindi ko alam kung ano yung isasagot ko sa kanya. Tinanong niya ako kung may chance ba daw siya sa akin? Lahat ng feelings bumalik at oo ang sinagot ko. Niligawan niya ako for one year at sobrang sweet niya sa akin. Last 2011 sinagot ko siya and yes magfifive years na kami sa June and engaged na kami.

Plano na pala naming magpakasal on the same month. Ang love story natin ay parang “Starting Over Again” pero hindi katulad nun sa atin may “A Second Chance”. Kaya ang wish natin ay magiging totoo na, to settle our own family and to live happily ever after. Oo, totoo ang forever basta magtiwala ka lang.

Cinderella

Cthm