ALMOST IS NEVER EVER ENOUGH

Me: I’ts not too late naman right?
Him: IDK, maybe it is.
For the record, I am not gay. Siguro tumagilid lang ng konti pero I know for a fact that I am not and there is still a trace of manliness in me waiting to be rekindled.

Anyway let’s get to the main part instead of justifying my sexuality (which is necessary considering the judgemental nature of society, nowadays).
Nakilala ko siya noong 9th grade. Transferee siya sa school namin. At first glance, there really is nothing special about how he looks: maliit, typical face, chubby, mabuhok (mind you, di ko po yun fetish) hahaha.

But even so, the very first time my eyes settled on him, I knew for a fact na there is something in him, something sa isang lalake na nakakapagtrigger ng pagka-bi ko, and I tell you: sobrang bihira nun since most of the time, babae pa rin hanap ng kuya niyo.
I don’t know pero pag dating sa boys, di talaga ako mahilig sa guwapo or sa matipuno. Medyo may pagka sapio din ako hahaha.
First time kong maramdaman sa isang lalake yung typical na “butterflies in the stomach” feels na yan.

Anyway, sa paningin ko, siya ang pinakapogi sa school namin, with all his awkward stance, his sleek hair, yung makapal niyang lips, yung maliit niyang nunal sa siko, yung lagi kong napapansin na tumutubong balbas sa chin niya. ( yes, napapansin ko yun) and yung amoy niya— goodness, yung amoy niya talaga: kahit amoy sabong panglaba lang yun, inassociate ko na sakanya, kaya nagresearch ako kung ano yung fabcon nila at pinapalitan ko kay mama yung gamit namin para lagi ko na siyang amoy hahahaha) pero siyempre napahangga din niya ako sa kanyang angking talino, lalong lalo na sa math, na sobrang frustration ko.

Over the months, masnagdeepen pa yung admiration ko sa kanya.
To make things better, early that school tear may rumors daw na pansexual siya, which turned out to be true. Siyempre, di na magpapakipot c acoe, sobrang natiwa ako dun hahaha sobra talaga.

Dahil kailangan kong ilabas yung feelings ko, without divulging my true identity, what I did was the opposite of what I should have done: Ipinakita ko sa mga tao at sa kanya na ayaw ko siya, na bitter ako sa kanya dahil he is a threat to my ranking sa honor roll (competitive ako bes). Attention seeker kumbaga hahaha

Dahil dun, parang nagsolidify na yung galit at inggit ko na yun sa kanya but still, wierd pero I love him.
So at that point, di ko na pinaniniwalaan yung kasabihan na “kung mahal mo daw, walang inggitan.”
Anggulo no? Mahal mo pero inggit ka sa kanya.
Fast forward to Grade 10.

In time, natalo ko siya sa ranking, which made me happy syempre but still felt bad for him din kasi di ko naman niwish na matanggal siya sa DL, na maout-rank ko lang siya, pero ayun, natanggal siya. Secretly nga, pinakiusaoan ko siya sa teacher na yun para iabot siya.
At this point, alam na ng lahat na “galit” ako sa kanya not knowing na pangfront ko lang yun para di ipahalata na may gusto ako sakanya. So they started teasing me na insecure daw ako sa kanya blah blah blah

Pero nga, walang bahong hindi sumisingaw, napaaga nga kang yung akin. Nalaman nila except siya and thankfully, wala namang nagyari o napalaking issue.

Prom practices: balak kong umamin sa kanya pero nawalan ako ng lakas ng loob when I knew na he’s courting yung niligawan ko din na babae just that year lang. (Bi problems hahaha)

Nagsulat ako ng letter para sa kanya, na ibibigay ko sana sa Moving Up ceremony namin pero again, nawalan ako ng confidence. Feeling ko na sa soap opera ako, pinunit ko bes yung letter, habang nakaupo sa sahig, katabi yung basurahan, hawak hawak ang bote ng tear gas dejk walang tear gas hahaha luha ko lang at yun sinunog ko.

For Grade 11, lumipat na ako ng USTe, at siya naman nag Baguio, sa SLU, kung saan din dapata ako pero ayaw ni daddy.
Naamin ko lang sa kanya yung feeling ko one time, accidentally dahil lasing ako at biglang tumaas ang aking self esteem. It was through a chat. Heto convo namin;

75% verbatim
Itago natin siya sa name na Charlie
Me: Nagustuhan kaya kita
Charlie: Really?
Me: YES
Charlie: So did I 🙁
Me: Weh?
Charlie: Yeah. I wish we got a little closer.
Me: Me too. 🙁 pero it’s not too late naman right?
Charlie: IDK maybe it is
Me: I understand
Charlie: No wonder you were in my dreams
Me: Dreams? What kind of dreams?
Charlie: Panaginip.

And yes, English Speaking talaga siya, galing international school eh
So ayun, sayang ‘di ba? Tinanong ko kung may chance pa, sabi niya IDK, maybe it’s too late na daw. Iyaq na aq hahaha
PERO SERYOSO, KUNG MAY MAHAL KAYO, SABIHIN NIYO SA KANILA. DON’T BE AFRAID TO TAKE THE RISK. WALA NAMANG MASAMA ‘DI BA?
For him,

I know you read posts from here
Mahal pa din kita hanggang ngayon at patuloy pa din kitang mamahalin kahit sobrang kapal na ng inaabangabangan kong balbas mo dati. Hahaha
Bibisita ako diyan sa Baguio at pupunta tayo ng Sagada 🙂
Passwords ko parin initials mo hanggang ngayon sa lahat ng gadgets ko hahahaha
Kasi mahaln mahal kitang gago ka! Yun lang. Kung kailangan mo ng friend… O sige na nga boyfriend, ako nalang please…
Kenickie

UST-SHS STEM

Link: https://www.facebook.com/USTFiles/posts/1547855975259156