Ang Kwento ng Ikaw at Ako

Sisimulan ko ang istoryang ito sa kung saan tayo nagkakilala. Nasa ika-limang ako noon sa isang pangkaraniwang elementaryang paaralan. Bago ka lamang sa ating paaralan at ako naman ay hindi. Nung una hindi kita napansin agad dahil hindi kita gusto. Makapal na medyo makulot ang buhok mo, mataba at medyo maliit.

Kaya wala akong interes saiyo. Mahiyain din ako noon pero lumipas ang mga araw at nagiging komportable na ako sa mga kasama ko sa silid na yun. Naging magkaibigan tayo pero hindi ganun ka close dahil magkaiba tayo ng interes. Lumpas ang mga araw, na naging buwan at lumipas ang isang taon. Ganun parin magkaibigan parin tayo pero napansin ko na parang may kakaiba sayo, madalas ay nahuhuli kitang nakatingin saakin habang ang guro ay nagtuturo, pagkatingin ko naman sayo ay ibinabaling mo ang iyong paningin sa ibang bagay. Unti unti kong napapagtanto na ikaw ay mag gusto saakin.

Hindi sa nag-aakala lang ako o nag “a-assume” pero iyon ang nararamdaman ko kaya medyo nailang ako saiyo. Hanggang dumaan ang graduation ng elementarya. Alam kong hindi tayo magkakasama kaya sumaya ako ng kaunti dahil sa wakas ay tapos na ang ilangan nating dalawa dahil alam kong hindi na tayo magiging magkamag aral dahil sa mas malayong lugar ko na ipagpapatuloy ang aking pag aaral ng hayskul. Ikaw naman ay hindi masyadong malalayo dahil sa parehas na lugar ka parin mag aaral ngunit ibang paaralan.

Habang bakasyon ay nag “chat” ka saakin sa “facebook” at may sinabi mo ngang may gusto ka saakin. Medyo nabigla lang ako dahil ikaw ang unang babaeng nagsabi saakin ng ganyan. Lalo akong nailang saiyo dahil sa pag amin mo. Pagkatapos noon ay hindi na ako nag reply. “Block” agad saiyo para hindi mo ako mahanap at makausap pa. Pero naisip ko na parang mali ako. Makalipas ang halos isang buwan ay “inunblock” kita. nag “chat” ako saiyo noon at agad akong humingi ng paumanhin. Tinanggap mo naman iyon at naging masaya ang pag uusap natin nung gabing iyon.

Tinanong mo ako kung bakit kita “binlock” sa facebook. Sabi ko “wala lang”. Sabi mo kaya ka umamin dahil alam mong hindi na tayo muling magkikita pa. Hindi ko alam kung bakit parang may kumurot sa puso ko nung sinabi mo yun. Natapos ang gabing iyon at hindi na tayo nagkausap ulit. Matapos ang halos tatlong taon, “chinat” mo ulit ako at ikaw nga ay nangangamusta. Sumagot naman ako kaagad at kinamusta rin kita.

Nagtapos ang araw na iyon na puro kamustahan tayo, kwentuhan at tawanan kahit puro “chat” lang. Lumipas ang mga araw at araw araw parin tayong nagkekwentuhan tungol sa ating mga buhay, hanggang sa napunta ang usapan natin tungkol sa buhay pag ibig. Tinanong mo ako kung may karelasyon na ba ako, sinabi kong oo kahit wala naman talaga, alam ko na medyo nasaktan ka dahil naging madalang na ang “reply” mo sa mga “chat” ko. hanggang sa isang araw nagbalak akong paasahin ka. Tinanong kita kung pwede ba akong manligaw” sabi mo “seryoso ka ba diyan?,

Baka naguguluhan ka lang or napipilitan?”. Sinabi ko na seryosong seryoso ako sa nararamdaman ko, na mahal na mahal kita” Pumayag ka naman at nang tinanong kita ay naging tayo na. Tuwang tuwa ako noon dahil may naloko akong babaeng patay na patay saakin. Ang balak ko noon ay gawing isang liggong pag ibig lang ang relasyon natin. Lunes hanggang miyerkules ay puro pa”sweet” ang ginagawa ko. “Pafall” nga sabi nila.

Pero dumaan ang biyernes hanggang linggo na puro away tayo. Pinagseselos kita. Hindi ko sinusunod lahat ng mga sinasabi mo. Lahat ng ayaw mo ginawa ko. Inom, babae, hindi “pagreply”, lahat. Tinapos ko ang relasyon natin pag sapit ng lunes ng madaling araw. Alam kong sobrang nasasaktan ka pero wala akong pakialam, hindi ko iniisip ang mga sinasabi mo. Nagpakawalwal ako. Hindi na ako nagparamdam ulit.

Matapos ang limang buwan ay binalikan kita, handa ka parin akong tanggapin matapos ng lahat ng mga panloloko ko. parehas na plano ulit, pero ngayon ay isang buwang pag ibig naman ang gusto ko. Matapos ang tatlong linggo, ganun ulit, niloko kita gaya nung una, pinag laruan, ginawang tanga. Nakipag hiwalay ulit ako hanggang sa paulit ulit ko nalang ginagawa ang lahat ng katarantaduhang ito. Buwan ng Enero sa kasalukuyang taon ay tinanong kitang muli kung may puwesto pa ba ako sa puso mo. Sinabi mo na hindi nagbago ang pagmamahal mo saakin.

Tinanggap mo parin ako, pero ngayon ay pakiramdam ko na seryoso na ako sayo. Tumagal tayo ng tatlong buwan na puno ng pagmamahalan na ngayon ay totoo na. Ikatlong buwan natin nang bigyan kita ng tsokolate, bulaklak, mga pagkain at mga sulat na puno ng pagmamahal na nakakahon. Tuwang tuwa ka dahil sa wakas, ngayon ay seryoso na ang taong iyong minamahal, gaya ng ginawa ko, binigyan mo rin ako ng regalo at tuwang tuwa rin ako na makatanggap ng ganun. Hanggang sa dumating yung pang apat na buwan na nararamdaman ko na hindi na kagaya nung dati yung “sweetness” natin.

Nawawalan ka na ng panahon saakin. Hindi ko na kinaya dahil parang bumabalik yung karma saakin. Nalaman ko na may iba ka na pala, at ang masakit dun ay isang taon at sampung buwan na kayo nung naging tayo. Sobra akong nasaktan dahil sa pakiramdam kong paraiso sa puso ko ang naging kulungan. Nakipag hiwalay ako dahil sa nalaman ko ngunit hindi ko na sinabi saiyo ang akin nalaman.

Pumayag kang makipag hiwalay at parang wala lang saiyo yun. Samantalang ako ay labis na nanghihinayang sa kung ano ang meron tayo. Labis na pagsisisi ang nararamdaman ko araw araw dahil sa mga nakikita kong larawan ninyo ng kasintahan mo. Nakikita kong masaya ka sakanya. Totoo nga pala na kapag ang karma ang gumanti, doble ang dala nitong sakit. Araw araw ay hirap akong bumangon dahil pag gising ko palang sa umaga ay ikaw na agad ang naiisip ko. Hindi ko na alam kung may patutunguhan pa ba ang buhay ko ngayon dahil sadyang ubos na ubos na ako. Sa ngayon ay unti unti akong bumabangon mula sa pagkakasadlak ng buhay ko mula sa dulot ng karma.

Wala akong kasiguraduhan na mababasa mo ito ngayon. Gusto ko lang na magbahagi ng kuwento at sana ay may matutunan kayo at may napulot na aral sa akin karanasan sa pag ibig.

“Mahal na mahal kita, pero sirang sira na ako”.
-Topher

Link: https://www.facebook.com/USTFiles/posts/1547877271923693