Charaught

May isang babae matagal ko ng gusto. Hindi ko pa alam yung name nya pero nasabi ko ng gusto ko sya.
Madalas ko syang makita sa simbahan kaya everytime na magsisimba ako, may libreng silay na din ako sa kanya.
Member ako ng choir group sa simbahan kaya kapag nakapwesto ka sa upuan ng mga choir, kitang kita ang mga nagsisimba kaya madalas ko syang makita.
Magpapasko non, mga panahong medyo di na ako nakakaattend sa choir kaya matagal walang silay kay crush.

One time, nagkalibreng time ako sakto may kanta ang choir non kaya umattend ako. Pero pag dating ko nagulat ako. “Kasali na din sya sa choir?!”
(si crush) Ang saya ko non sobra kasi naisip ko, tuwing may kanta kami always na akong makakasilay sa kanya.

Pagkakataon na din para malaman ko ang name nya kaya tinanong ko yung isa naming kasamahan at yun nga sa wakas alam ko na din ang name nya. (itago nalang sya sa pangalang Joy) After non, hinanap ko agad ang facebook nya at nag friend request ako sa kanya at sa kabutihang palad inaccept nya din agad.

Tapos pasko na non, may kanta kami sa mass, nakatingin lang ako sa kanya yung tipong ayoko ng maalis yung tingin ko sa kanya. “Grabe ang ganda nya” mas lalo ko pa syang naging crush. After mass pag-uwi ko sa bahay, nagtry akong imessage sya kaya binati ko sya ng “Merry christmas” nagulat ako kasi after a few minutes nagreply sya. Grabe na nag saya ko at eto na yung pagkakataon para makilala ko sya ng lubos.

Chat dito, chat doon. Ganon na kami mula nung pasko, December 25, 2015. Medyo close na kami sa chat kaya nakakapag joke na ako sakanya kahit ang corny ko. After kong magjoke may pahabol yon pero imbes na “charot” ang itype ko, “charaught” ang tinype ko at bumenta yon sa kanya. (mas bumenta pa yon kesa sa joke)

Sa mga sumunod na araw, ganon parin chat dito, chat doon. Pero imbes na sa pangalan nya ko tawagin, “charaught” ang tawag nya sakin. Syempre ganon na din ang tinawag ko sakanya (o diba may tawagan)

Lumipas ang mga panahon, ganunoa din hanggang sa nag 1 year na kaming magkaibigan. Tibay no?Hanggang sa lumalim pa yung pagtingin ko sa kanya, higit na sa gusto ko lang sya, higit na sa kaibigan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hanggang sa inuunti-unti kong ipahiwatig sa kanyang gusto ko sya at natatawa lang sya.

Pero dumating yung araw na ipinahiwatig ko ulit sa kanyang mahal ko na sya, biglang nagbago. Di na nya pinapansin mga message ko sakanya, di na nya binubuksan mga chat ko sa kanya kahit online sya.Nangyari nga yung kinakatakutan ko na iiwas sya kapag umamin ako.

Pero bakit ganun? Bakit kailangang umiwas? Bakit hindi nya nalang sabihin na hanggang kaibigan lang ako sa kanya? Bakit kailangang di nya ako pansinin at bakit kailangang umiwas sya? Mas masakit pa friendzone ang nangyari, kasi ngayon mga pinagsamahan at tagal ng pagkakaibigan ang nawala. Ang sakit sakit pala.

P.S Kung aamin o magpapahiwatig ka sa isang tao, dapat maging handa tayo sa lahat ng pwedeng mangyari. Either magstay sya sayo o baka umiwas sya kesa makasakit ng tao.

-CHARAUGHTero

Link: https://www.facebook.com/UPSecrets/posts/737578786444002