Dare

DARE

Nung nililigawan ko siya tinanong ko kung ano bang dapat
kong gawin para sagutin niya ako.

“Grades mo hindi dapat bababa ng dos. At the end of the semester,
kailangan mong ibigay sakin ang email at password mo sa portal
para malaman ko ang final grades mo.
Kapag may dos ka, sorry ka nalang.”

Block mayor namin siya sa klase noon. Sobrang GC niya.
Siya yung tipo ng estudyante na ang buhay ay umiikot lang sa pag-aaral.
Ni wala ngang social life yun, kahit Facebook wala yun eh.

Tapos ako naman yung tipo ng estudyante na basta pumasa ayos na.
Puro tropa lang.Puro bulakbol. Late, cutting classes, lahat na.
In short, hindi kami compatible.

Pero gustung-gusto ko siya.
Ginawa ko yung gusto niya. Nag-aral ako. Subsob.
Hindi na ako nagsasama sa mga barkada ko.
Nag-quit ako sa computer games, bilyar,
at kung anu ano pa para makapag-focus sa pag-aaral,
at para makakuha ng umuulan na uno sa finals.

Na-realized kong ang sarap palang mag-aral.
Ang sarap mag-exam na alam mo kung anong isasagot mo.
Mararamdaman mo talaga yung excitement na makita yung scores ng exams mo
kasi alam mong pinagpuyatan at pinag-paguran mo lahat yon.

Na-achieved ko naman lahat. Na-achieved kong makakuha ng mga uno,
na-achieved ko yung drive na mag-aral ng mabuti at ipagpatuloy yun
hanggang sa maka-graduate ako.

Isa lang naman talaga ang hindi ko na-achieved.
Siya.

Kinuha na siya ng parents niya para mag-aral sa ibang bansa.
T___T Iyak ako.

Pero kahit naudlot ang forever, nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya
kasi kundi dahil sa dare niya,hindi ako ga-graduate na
Magna Cum Laude next year.

JP

IAS
FEU Manila

Link:https://www.facebook.com/FEUSecrets/posts/1218680534834690