Dear Mommy

Mahal na mahal kita pero pagod na ako. Salamat at pinalaki mo ako. Inalagaan. Pinakain. Binilhan ng mga gamit.
May utang na loob ako kaya pangarap ko nga na sa retirement nyo ay ma alagaan ko kayo ni papa.
Kaso mommy, hirap na hirap na ako.

Ikaw ung tipo ng nanay na hindi basta basta naniniwala pag sinasabi ng anak na may sakit sya.
“Mommy ang sama ng pakiramdam ko. Para akong uubuhin”
“ayan kasi. Inom ka ng inom ng malamig ”

(kahit hindi naman talaga)
” Mommy ang sakit ng left side ng tummy ko. Pati lower back ko”
” Kasi ang taba mo na, di ka din kumakain ng gulay”

Natuto na ako. Kailangan malala muna ang sakit bago ka maniwala. Umabot sa puntong nasa ER na ako saka ko sinabi sayo na may sakit ako. Para maniwala ka.

Si papa madaling kausap. Nakikinig. Naniniwala. Matanda na ako (22) eto ung puntong alam ko naman ang tama sa mali pero minsan nag kakamali talaga ako kasi mali pinipili ko. Wala naman akong sinisisi. I know the consequences. I know when I’m wrong.
Nung sinabi ko kay papa na ni recommend na mag pa tingin sa psychiatrist, sinuportahan nya ako. Nag offer pa na samahan ako. Sabi ko sa kanya, wag muna sabihin sayo hangga’t di pa sigurado kung anong sakit ko.

3rd session ko na nung sinabi ko sayo. Diagnosed ako with depression and anxiety. Recommended na din na mag start na ako ng medication.
“Bakit ngayon mo lang sinabi? Kasalanan ko ba to? Nagkulang ba ako? Alam mo pag nag gamot ka tataba ka. Di mo kailangan nyan. It’s all in the mind.

Umiyak ako. Ang dami kong gustong sabihin. MOMMY. SCIENTIFICALLY, TOTOO ANG DEPRESSION. ANG GAMOT NAKAKATULONG PARA MAG LIGHT UP/GUMANA UNG IBANG PARTS NG BRAIN KO NA HINDI GUMAGANA NGAYON. KULANG AKO NG SEROTONIN SA BRAIN PARA MAKAPAG FUNCTION. BUKOD SA CHILDHOOD TRAUMA. MADAMING FACTORS ANG DEPRESSION KO.

Pero wala akong nasabi ni isa. Wala.
1 year na akong on medication. My life got better. I got active. For the first time in years, I wanted to live. I had a plan. I had dreams. Before kasi all I thought about was death. Now, I’m a bit excited about life.

I’ve changed. But you haven’t. Ang sama pa din ng tingin mo sa meds. Hindi ka pa din naniniwala. Iniisip ko nga minsan, kailangan ko pa ata magpakamatay para lang maniwala ka. Ang takot ko lang, ung failed suicide. Ang hirap kaya mabuhay after mong mag attempt ng suicide! Hahaha. Gusto ko patay agad. Tapos agad! I’m still waiting for the perfect opportunity.

Mommy mahal na mahal kita pero ikaw ang dahilan kung bakit takot ako mabuhay. Sorry. Hindi ako kasing strong mo.
Mommy ikaw ang dahilan kung bakit ayoko magka anak. Natatakot akong kailanganin kong maging tulad mo para mapalaki ung anak kong sa malamang ay maging katulad ko. Hinding hindi ako magiging tulad mo. Ayoko.

Mommy mahal na mahal kita pero sana makita mo ang bagay sa ibang pananaw kahit ngayon lang. Pagod na pagod na ako mommy, na abutin ang imposible mong standards. Sorry hindi ako ung gusto mong anak.

Mommy, mahal na mahal kita pero ayoko na. I grew up. Sana ikaw din.
Conservatory

Link: :https://www.facebook.com/USTFiles/posts/1547856441925776