Depressed and Confused

May dumating na babae sa buhay ko. Actually sa totoo lang di ko naman akalain na gugustuhin ko siya. Syempre sa una friends kami. Grabe ang pagigigng caring niya at malambing. Laging nag aalala. Matulungin pa.

Paunti unti ako nagkagusto sa kanya hanggang sa talagang nagkagusto na ako sa kanya. Tapos nalaman kong may gusto din pala siya sakin. So niligawan ko siya.

And those times with her are the best times of my life. Sinagot niya ako September 22 pagtapos namin manood ng heneral luna kasi required sa english namin. Sa mga oras na magkasama kami lagi grabe ang saya. Napakamaalalahanin niya malambing ,matalino at maganda. Pero habol ko yung pangloob na kagandahan niya hindi panglabas.

Matapos ang isang taong relasyon namin things started to change mostly on my part. May “seperation anxiety” kasi ako. Takot ako mahiwalayan. Sa sobrang takot ko mahiwalayan nalilimitahan na siya sa paggalawa niya. Nasasakal ko na siya sakin.

Tapos dumating yung time na nasaktan ko na siya talaga dahil nagselos ako. At sa mismong araw na yun narealize ko na ang tanga ko. Inaway ko yung pinakamahal kong tao at pinakanagmahal sakin na tao. Sinaktan ko ang irreplaceable na tao sa buhay ko. Naisip ko mga times na magkasama kami. Oh how i wish i could turn back time.

So ngayon i am dazed and confused. Nababaliw na ako dahil sa kanya lang. Binigay ko lahat sa kanya at di ako nagtira para sa sarili. Minahal ko siya na parang asawa ko na. Ayun lang ang mali ko.

Minahal ko siya na parabg asawa ko na. Depressed na ako ngayon sobra. Pinipilit ko lang maging masaya para sa kanya at pamilya ko.

Balang araw baka kunin ko nalang sarili kong buhay. Sa kada gabi naiisip ko siya lagi. Kada oras natatanong ko sa sarili ko kung kamusta na siya.

Gusto ko lang naman mag sorry at gusto kong magkabalikan kami at di na talaga mauulit ang mga nangyayari. Niloloko ko lang sarili ko na di ko siya kailangan.

KAILANGAN NA KAILANGAN KO SIYA DAHIL PARTE NA SIYA NG BUHAY AT SISTEMA KO! MAHAL NA MAHAL KITA KAHIT KELAN!

Bibeh
BS Computer Engineering
College of Engineering

link: https://www.facebook.com/THEPUPCONFESSIONS/?hc_ref=PAGES_TIMELINE&fref=nf