Inspiration Story

#HRMSFinspirational
No matter what situation you have you can achieved your goal in life. Hi everyone Ako po pala si jhay nagmula sa province of negros occidental sa bayan ng Binalbagan. Noong 2007 ako pumunta ng manila para makipagsapalaran sa buhay dahil alam ko kung sa probinsya lang ako hindi ako makakapagtapos ng koliheyo kung sa probinsya lang ako. Kasi ang Hirap ng buhay doon. Since Elementary at High school Palang tumutulong na ako sa aking mga magulang para kumita ng pera sa pagtatrabaho sa tubuhan(Kampo) sabi ko noon sana hindi nalang ako naisilang sa mundo kung ganito lang kami kahirap kitain yung pera naalala ko noon tumutulo lagi yung luha ko kasi ang hirap. Pero yun yung nagpalakas sa akin ginawa kong motivation na sikapin makapagtapos ng Pag aaral kaya nakapunta ako ng manila Para makipagsapalaran sa buhay pag alis ko palang noon sa amin sabi ko na sasarili ko sisikapin ko pagbalik ko succesful na ako sa buhay. Balik tayo sa naging buhay ko sa manila tumira ako sa novaliches san bartolome malapit sa abc 5. kasma yung tiyahin ko kapatid ni mama wala pang asawa at anak kaya swerte ako noon kasi kinopkop ako at kahit papaanu malaking tulong na may titirhan na ako 17 palang ako noon nagpunta ako ng manila minor pa. Hindi ako Nakapagtrabaho noon kasi minor pa ako pero nagtry ako sa bulacan sa pinsan ko tumira sa meycauayan bulacan tumira ako doon nagtry makahanap ng mapapasukan factory worker pero nabigo ako hindi ako naka hanap ng trabaho kasi 17 palang ako. kaya nagdecide ako bumalik sa novaliches sa tita ko. at doon ako nagdecide na maghanap ng school na mapapasukan at sakto sabi ng isa kung tita nagtatrabaho sa sm sta mesa entrance exam daw sa EARIST malapit sa sm sta mesa doon ako ng take ng College exam para makapasok pangarap ko noon UST or UP sana pangarap lang pala. pero by the way sa EARIST na nga ako nag aral hindi ko alam anu course etatake ko ECE gusto ko kaso mahina ako sa math i hate math thats why I chose HRM kasi nga my math man kunti lang. Nagpsalamat ako kay Lord nakapasok ako sa HRM Mahal daw baka hindi ko kakayanin ang bayarin… nanlumo ako akala ko hindi na ako papasok kasi marami nag endroll ng HRm pero kunti lang nakakasurvive sa next semester kasi nga mahal ang HRM na course hindi biro! first year palang umaaray na mga magulang ko sa gastos nanlumo ulit ako at napaluha at sabi ko nalang sa sarili ko ako gagawa ng paraan para makapagtapos ako ng pag aaral at nagdasal ako.Mag second year college na Kakayanin Paba namin ang gastos???? Sabi ko baka hindi na kaya doon ako nagdecide na magtrabaho sa Red Ribon Bakeshop as kitchen Crew I’m proud working students at the same time nag apply ako ng Scholarship sa CIbac Partylist Since Second year college and Nakapagtapos ako Wla ako binabayaran ng Tuition Fees kasi nga Scholar ako kaya malaki tulong sa mga magulang ko mahirap sa mahirap working students at the sametine my mini maintain kang grades muntik na nga ako mawalan ng scholar kasi mahirap talaga pagsabayin pero With help of God Nakaya ko nagdecide na ako tumigil sa pagttrabahao para makafocus ako sa grade ko at hindi mawala yung scholarship ko pero hindi pa talaga kaya alam nyo yan kung gaanu kahirap at kagastos ang HRM tour dito laboratory doon ar madami uniforms.ang dami kong pinasukan trabaho Red ribon, KFC, Student Assistant, Nagchuchutor, nag partime wedding Coordinator, at photo booth at partime waiter sa mga event salamat ako sa dalawa kung prof si mam A at si sir J..huwag na natin pahabain pa nagtapos ako ng pag aaral in short story nakapagtrabaho ako sa dati kung pinag Ojthan TGI Fridays inabsord nila ako as staff ang trabaho ko Prep cook taga gawa lahat ng mga ginagamit sa line nassign ako sa malate branch for almost 9 months pero nalungkot ako kasi 9 months na ako at ginawa ko lahat sinipagan ko hindi parin ako naregular sabi ng gm ko noon wala daw slot for regular nalungkot ako???? pero sabi ng gm ko I recommend daw ako sa gm ng BHS pero nagkaregidon ang mga gm yung dati kung gm sa malate na si sir B ay napunta ng TomasMorato Branch nalungkot ako kasi 9 months na ako sa Malate hindi pa ako naregular wala daw slot for regular tumawag yung dati kung gm sa malate nalipat sa tomas Morato na sabi kukunin nya daw ako ang maganda hindi na rehire kundi regular na ako kasi mga regular doon matitigas daw ulo laging absent. napunta nga ako ng TOmas morato branch ang start ng work ko doon prep and dishwashers sabi ko parang gusto ko ng sumuko kasi nakapagtapos ako ng Pag aaral ng 4 years course magddishwasher lang ako pero bigla ako nailipat sa Fry prep nman kasi yung isang cook matigas ang ulo at palaabsent.marami ako natutunan sa tomas morato branch kysa sa malate kasi prep lang ako doon pero sa qc halos lahat naikot ko na pwera lang sa broiler ayun ayaw ko talaga doon mainit hehehehe. . tumagal ako sa qc ng mga 2 taon mahigit din Naging Head Coach ako doon ako yung nagttraining sa mga bago at bago ako mag abroad Naging Employees of the year pa ako.Halos mga katrabaho ko malate at TomasMorato branch nag abroad na sila yung nag Encourage na mag Canada ako nman go to the flow kahit mga 3 years experience kung sasamahin red ribbon,kfc, ojt, Fridays. Ako naman nag apply din nagsend ng resume online the. after a week nagmessage assessment daw ayun pumunta ako at naghanda ng lahat ng requirements para makumpleto na at maline up ang papel ko for employers interview ayun meron daw interview nagmamadali yung amo ksi kailangan nya daw ng tao sa Awang Diyos naipasa ko ang interview in short nandito na ako sa Canada ?????? nagwowork at naninirahan almost 3 years narin ako dito Sabi nga Nasa Diyos Ang Awa nasa Tao parin ang Gawa! Sana maging inspiration po ninyo ang aking kwento ng aking buhay at paanu ko naabot ang aking mga pangarap. Sabi ko nga Education is very important no matter what because that’s your key to have a better future… sa muli sana gawin nyong inspiration ang aking buhay para maabot nyo rin ang inyong mga pangarap sa buhay na lahat ng gustuhin mo makakamit basta gawin mo lang ang part mo. marami maraming Salamat sa oras na binasa mo to ang aking buhay God Bless Always..
27/Male
Earist
Jhay