Kopiko

I’m a graduate of BEEd (Bachelor of Elementary Education). Pero hindi muna ako nagtuturo. Umabot ako ng college na NBSB pa rin. Ayoko kasing magkaboyfriend noon. Gusto kong malaya lang para maraming naghahabol sakin. Alam nyo naman, pag taken ka na hindi ka na makakaharot HAHA.
Maganda naman ako. Sabi rin ng karamihan. Matangkad saka mala-coca cola katawan. Matangos ang ilong. Mala-labanos ang kutis na maputi at makinis. Alagang alaga kasi ako samin lalo na ni mama. Kaya mula HS eh lapitin na talaga ako. Marami akong manliligaw pero wala namang pumapasa
sa standards ko. Oo mga gwapo naman yung iilan kaso ayoko talaga. Pihikan ang ate nyo HAHA.

Madalas akong maging muse sa room namin. Madami na din akong nasalihang Beauty Contest na naiuwi ko ang korona. Ganda ko diba? HAHAHA.
So heto, meron akong manliligaw na ubod ng pangit HAHAHA. Oo guys, ampangit nya talaga as in. Mukhang mabaho tas dugyot pa grabe. Yung buhok nya
kulot na buhaghag tas ang itim pa. Lakas ng loob nyang manligaw noh? Sa isang dyosang tulad ko? KEMEROT HAHA.
Pedicab driver sya. Lagi nya akong hinahatid pauwi samin. Okay lang naman sakin para less pamasahe. Kahit kasi tanggihan ko kukulitin ako nun.

Tas ayaw magpabayad.
Naaalibadbaran ako sa mukha ng taong yun. Araw araw na lang kasi nakikita ko yung pangit nyang pagmumukha. Hatid sundo nya ko kahit di ko naman
talaga gustong magpahatid at sundo sakanya.Anyway, KIEL is his name. Buti nga kahit papano eh gumanda ganda naman pangalan nya sa kabila ng kapangitan nya.Kilala sya ng mga kaibigan ko, sa araw araw ba naman na pagaabang nya sakin sa gate tuwing uwian at paghatid sakin sa school sa umaga diyos ko HAHA.

Mula first year mga bess hanggang nung nag fourth year college ako hindi nya ko tinigilan. Apat na taon akong nagtiis sa pangit na yun. Myghad!
HAHA. Makita palang sya ng mga tropa ko, “Uy si halimaw na naman oh.” Tapos magtatawanan. Pag nakikisama saming magtotropa yun, (since sa tapat lang
ng tindahan yung paradahan nila ng pedicab sa labas ng school), binubully namin yun mga bess. Nandun yung babatuhin ko sya ng papel na niyukot
pag trip ko. Yung mga tropa ko namang bully magpapabili ng kung anu-ano sa kanya gamit yung sarili nyang pera. Kundi softdrinks, sigarilyo, junk
foods, madami silang pinabibili hanggang maubos lahat ng kita ni Kiel sa pagpepedicab. “Bahala ka magagalit si Bebe sayo pag di ka bumili.”

Panakot ng mga tropa ko sakanya yan. Ito namang si uto uto, walang sabi sabi bili naman agad. Pangit na nga uto uto pa shet! HAHA.
Halos isumpa ko pagmumukha nya araw araw haha. Anyway, call me BEBE na lang(not my real name.)
Hello KIEL! HAHA.

Naalala mo pa ba nung college ako? Nanligaw ka saken diba? Na-Love at first Sight ka kamo HAHA. Pero ayoko talaga sayo kasi naman e! Pangit ka
na nga hindi ka pa nag-aaral. Grade 6 lang tinapos mo. Ano bang mapapalamon sa akin ng isang pedicab driver? Asin? Tuyo? HAHA. Isa ka pa namang
dakilang uto uto noon. Lahat ng gusto ko sinusunod mo. Naaalala mo rin ba? Tuwing pagtitripan ka ng barkada ko? Kakantahan ka nila..
“Sayaw Kelkel, sayaw Kelkel, sayaw Kelkel, sayaw Kelkel.”

Tas sasayaw ka namang baliw ka HAHA. Natatawa pa ako sa giling mo tas yung facial expression talaga HAHAHA. Lalo mong pinapapangit mukha mo.
Tapos nung nag-ipon ka pa para maibili ako ng bouquet of roses nung Valentines saka mga chocolates. Tapos sinabwat mo pa yung mga tropa ko sa
gimik mo HAHA. Nung lumabas kami ng gate, bigla pinaikutan nila ako tapos bigla namang litaw ng masura mong peslak sa harap ko. Pinagkaguluhan
pa tayo. Ang daming nakiusyoso satin lalo na nung sinimulan mo na ang bumanat ng mga corny na pick up lines mo. HAHAHA. Bawat bitaw mo ng lines
eh sinasabayan ng palakpakan ng mga baliw na nanonood. Syempre namula ako nun kahit ang baduy mo. HAHA.

Kilala ka nila Mama at Papa bilang isa sa mga manliligaw ko. Pero tiwala silang di kita sasagutin sa itsura mo ba naman. Yuck! HAHA.
Nung graduation ko nandoon ka para suportahan ako. Nagcelebrate kami. Since nandoon ka naman sa bahay pinakain ka na kita.
Napalapit naman na ako sayo sa mahabang panahong pinagsamahan natin. Kahit halos araw araw ginagawa kitang katawa tawa kasama ang mga baliw kong
barkada.

Marami ka nang nalalaman tungkol sa akin at ganun din naman ako sayo. Araw araw, gabi gabi lagi kitang kausap sa phone. Minsan ako pa tatawag sayo pag bored ako.Nung dalawang araw kang di nagparamdam sa akin, di kita makontak, di ka rin nagrereply sa text, syempre namiss kita pangit. Honestly! Buti nalang napadaan sa tapat ng bahay yung kasamahan mo sa pagpepedicab, edi tinanong ko sya kung kumusta ka na. Doon ko lang nalaman na namatay
pala ang lola mo.

Di mo man sinabi. Naawa ako non kasi lola mo nalang ang kasama mo since yung papa mo eh nakapag-asawa na ng iba at ang mama mo naman ay namatay nung pinanganak ka.Nakiramay ako sayo. Sinamahan kita sa pag iyak mo. Kinocomfort kita. Di pa naman ako sanay na makita kang ganoon. Nung nailibing na si lola mo, di ka na nagtatrabaho. Nandun ka lang sa bahay nyo. Laging malalim iniisip. Ikaw nalang mag-isa sa buhay. Nawalan ka na nga pakialam sa buhay mo.

Nalulungkot ako para sayo. Di mo na inalagaan sarili mo non. Nadugyot ka nang tuluyan. Di ka naman sumasagot sa mga tawag ko kaya obligado
pa akong puntahan ka para kumustahin at tanungin kung kumain ka na. Bwisit na bwisit ako sayo tuwing di ka kumakain(wala naman kasi syang
kakainin kasi di na sya nagtatrabaho) kaya bibili pa ako ng makakain mo. Pilitan pa pag pinapakain kita kasi ayaw mo talagang kumain. Yung
tipong parang gusto mong sumunod na rin sa lola mo. Ramdam ko yun Kiel.

Kaya maaga akong gumigising. Pag nag-aalmusal ako ipinagtatabi kita ng aalmusalin mo din. Pupuntahan kita pag tapos kong kumain para dalhin
sayo. Tanghali’t gabi, ganun din. Pag di nakatingin sila mama ipinagu-umit na kita ng makakain mo. Tas maghihintay ako ng kasamahan mo sa
pagpepedicab para makiusap na ihatid sayo. Binabayaran ko naman sila pero ayaw nila tanggapin. Gusto ka din kasi nilang tulungan.
Pag pinupuntahan kita nakikiusap pa kong maligo ka Jusmio ang baho mo na kaya. Tinatakot kita na ako magpapaligo sayo pag di ka pa naligo kaya
mapipilitan ka HAHA.

Nung hinatiran kita once ng almusal, nagulat ako nakabihis ka na at tinutulak mo pedicab mo. Sabi mo magtatrabaho ka na kasi nahihiya ka na
sakin sa ginagawa ko para sayo. Kakayod ka sabi mo para sa sarili mo. Natuwa ako kasi sa wakas balik ka na rin sa dati. Bumalik na pagiging loko
loko mo.Pagkagaling mo sa trabaho dadaan ka samin, pinagdadala mo ko ng paborito kong pancit. Sinasabi ko naman sayo noon na wag mo na akong pagdalhan kasi gastos mo pa. Sana iniipon mo nalang. Pero ginagawa mo pa din.

Minsan ako naman pumupunta sayo paguwi mo galing trabaho para makipagkwentuhan. Lagi kong ipinapanood sayo yung sayaw mo noon HAHAHA. Yung “SAYAW KELKEL, SAYAW KELKEL.” Tanda mo pa ba yan? Venideohan ka kasi namin habang nagsasayaw. Di ko binura yun para may pinagtatawanan ako/kami. “Ang pangit ko dyan!” Tapos pinipilit mo kong burahin. Hahaha

Lt ako sayo. Pangit ka naman talaga kahit di ka sumayaw ng ganun sus!
Nung gabing lasing na lasing ka, pinuntahan kita. Nagkalat pa yung bote ng mga pinag-inuman mo sa kwarto mo. Alam kong napainom ka kasi
nalulungkot ka sa pag-iisa mo sa buhay. Naiiyak ako tuwing nakikita kang umiiyak. Kahit anong gawin ko di ko na maibalik yung dating ikaw.

Lasing na lasing ka ng gabing yon. Pinapunasan kita ng face towel habang umiiyak ka tas nagsasabi sabi. Na namimiss mo na lola mo, na sana
namatay ka nalang din, na sana di ka iniwan ng papa mo. Ang dami mong drama. Ilang minuto lang nakatulog ka din. Titig na titig ako sa pangit na
mukha mo.

Oo ang pangit mo talaga grabe. Alam ko sa sarili ko na hindi na awa ang nararamdaman ko para sayo. Alam kong sa sarili kong mahal na
mahal na kita. Umiyak ako habang nakatitig sayo, kasi gulong gulo talaga utak ko. Naramdaman ko nalang na parang gusto kitang halikan. And I did
it. Kahit amoy na amoy sa bibig mo yung alak, di ako tumigil halikan ka. Maya maya pati ikaw lumalaban na sa halik ko. Isa lang nasa isip ko
nun, gusto kong may mangyari satin. Sinamantala ko ang kalasingan mo. Naghubad ako unti unti. Ako na din naghubad sayo. Kahit takot na takot ako
nun kasi first time natin yun, di ako umatras at nagdalawang isip kasi gusto ko ikaw ang makauna sa akin. Naging mahirap sating pareho yung
gabing yun kasi pareho tayong walang karanasan. Pero kahit ang sakit ng nararamdaman ko nun tiniis ko. Para maging matagumpay ang gabing yun
para sa atin.

Natapos tayo at nakatulog ako sa tabi mo. Nagising nalang ako kinaumagahan nung binibihisan mo ko, umiiyak ka. Paulit ulit kang humingi ng tawad
sa nangyare at pinaliwanag na lasing ka at di mo alam ang ginawa mo. Awang awa ako sayo kasi alam ko wala ka namang kasalanan.
Niyakap lang kita at sinabing “Okay lang”. Hinatid mo ko pauwi. Pero di na kita pinapasok sa bahay kasi isang gabi akong hindi umuwi at pag
nakita ka nila malalaman nila mama na ikaw ang kasama ko magdamag.

As expected nagalit parents ko sakin. Sinabi ko lang na nagover night ako kala Cynthia at di na ako nakapagpaalam. (Kilala nila si Cynthia. Best
friend ko since elem.) At ang masaklap, nagbunga ang ginawa natin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa parents ko. Sayo ako agad tumakbo. Iyak ako ng iyak sayo habang niyayakap kita. Sabi mo ikaw ang magpapaliwanag sa parents ko tungkol sa dinadala ko. Takot na takot ako pero wala naman tayong choice kundi umamin.

Sinamahan mo ko sa bahay. Mahigpit yung hawak ko sa kamay mo. Hindi ko binibitawan. Kabang kaba ako. Nakita pa lang tayo nila mama’t papa na papalapit sa kanila ay iba na ang tingin nila sa atin. Nakakunot na ang noo ni papa. Unang pagkakataon palang kasi nila tayong
nakitang magkahawak kamay. Ayoko kasing bumitaw sayo. Nagsimula kang magpaliwanag. Nung narinig palang nila yung BUNTIS, nagsisigaw na si papa.

Nagwawala. Umiyak ako ng husto sa takot. Nakita ko kung paano ka nya suntukin ng tatlong beses sa harapan ko. Kasama pa doon ang mga tadyak nya
nung nasa sahig ka na. Inawat lang sya ni mama. Tapos lumapit ako sayo at niyakap kita. Sobra akong naawa sa sinapit mo lalo na nung makita yung
tagas ng dugong lumalabas sa ilong mo. Patawarin mo ko Kiel. Kasalanan ko yun. Nakaramdam ako ng guilt kasi wala ka namang ginawang masama. Ako
ang may kagustuhan nun. Ako ang gumawa nun. Biktima ka lang dito.

Pinakuha ni papa lahat ng damit ko at pinaalis tayo. Gusto nya daw patunayan sa akin na wala akong mapapala sayo. Na wala akong magiging
magandang kinabukasan sayo at uuwi lang din ako sa kanila. Hindi ako nagsalita basta kinuha ko gamit ko at sumama sayo.
Pinangakuan mo ako na magdodoble kayod ka para sa amin ng magiging anak natin.

Sobra naman ang pag-aalaga mo sa akin eh. Alam kong pagod na pagod ka sa trabaho at halos di ka na magpahinga. Sa umaga ikaw nagluluto ng
almusal. Uuwi kang tanghali para magluto din. Pag uwi mo ng gabi ikaw pa rin magluluto. Pasensya ka na. Pinalaki akong spoiled nila mama. Wala
akong alam sa pagluluto. Ikaw din naglalaba pag may oras ka. Mostly bago ka matulog. Gabi gabi yun.

Para hindi tayo matambakan ng labahan. Sabi ko sayo ako na gagawa kaso nagagalit ka kasi ayaw mo kong napapagod. Gumagawa naman ako ng mga gawaing bahay. Yung mga alam ko naman tulad ng paghuhugas ng pinggan, pagtutupi ng damit at pagwawalis sa loob at labas ng tinitirahan natin. Syempre inaalagaan din naman kita. Gustong gusto ko pa nga na pinapaliguan ka. Yung sabay tayong naliligo. Gusto ko kasi malinis ka ng husto.

Pinapakasabunan kitang mabuti, gagamit ako ng paghilod para tanggal libag HAHA. Inis na inis pa ako sayo kapag malikot ka kesyo nakikiliti ka o kaya nasasaktan. Sinasabunutan kita pag ganun ka. HAHA. Nagpabili ako sayo ng malaking pulbo diba? Sayo ko din sya ginagamit. Bago ka magbihis pupulbuhan kita ng marami sa likod pati sa dibdib saka tiyan. Tapos lalagyan pa kita ng cologne para amoy fresh. Nilalagyan din kitang bimpo sa likod para di nagpapawis likod mo. Amoy baby ka pa nga daw sabi ng katrabaho mo sayo HAHA.

Gusto ko kasi na malinis ka at mabango palagi.Gumawa tayo ng tawagan. Ayoko kasi ng may katulad. Gusto ko unique. So dahil maitim ka, tinatawag kitang Coffee. HAHAHA. At mahilig ka kasi sa 3-1 na kopiko brown kaya tinawag nalang kita Kopiko. (Coffee-ko). Dahil maputi ako Milky Baby tawag mo sakin kaso di ko bet.

Kaya nag-isip ka pa. Kaya tinawag mo kong Baby Bearbrand. Pag lumalabas tayo pinagtitinginan pa tayo HAHA. Siguro akala nila driver kita or hardinero ganorn. Siguro iniisip nila na hindi tayo bagay. Pero wala akong pake. Sobra sobrang saya ko sa piling mo Kopiko. Di ka lang masipag, maalaga at mapagmahal ka pa. Sobrang kitang minahal kahit pangit ka!

Napagkakasya naman natin kinikita mo sa araw araw. Minsan 100 or 200. Pag sinuwerte nakaka-300 pesos ka kasama na dun yung ibang sideline mo
pero nakakaraos na tayo sa isang araw. Pag umuuwi ka pa may dala kang pancit. Pagsasaluhan natin. Love na love mo talaga ako noh Kopiko? Don’t
worry. Mas love ka ng Baby Bearbrand mo.

Dahil sobra na kitang minahal naging praning ako. Ayoko nga na may kumakausap na babae sayo lalo na kung di naman importante. FYI kahit pangit
ka, di malabong magustuhan ka ng iba lalo na pag nalaman nilang sobrang bait mo.Kasi alam ko naman na kahit gaano kaganda mga asawa nila, pag natukso si lalaki wala na

7 months preggy na ako nung hinihintay kita umuwi kasi nga 10 na ng gabi wala ka pa. Ang alam kong uwi mo ay 7-8 lang pero umabot ka ng 10 kaya
nagalit ako. Baka may kasamang babae ka na o ano. Tinetext kita di ka naman nagreply. Nag-aalala ako Kopiko. Hindi ako makatulog.
May unkown number na biglang tumawag sakin nung oras na yun Kopiko. Sinagot ko naman. Unang tanong nya sakin kung ano kita. Edi sabi ko Misis mo
ko. Kopiko nagulantang ako nung sinabing itinakbo ka sa hospital. Agad akong pumunta dun sobra akong nag-aalala.

Nagpahatid ako kay Mark (pedicab driver din) agad kitang pinuntahan. Agad kitang pinuntahan kopiko sa pag-aakalang maabutan kitang ligtas at buhay. Alam mo bang nagwala ako ng husto sa hospital na yun? Bakit naman ganun? Bakit binigla mo ko?Halos mahimatay ako Kopiko sa sobrang sakit. Nahirapan akong huminga. Pinipilit kong gisingin ka pero ayaw mo nang gumising. Hinahalik halikan kita. Bakit ganun? Bakit ganun Kopiko? Di mo man lang inisip na kailangan pa kita, kailangan ka namin ni baby? Bakit sumuko ka? Kopiko bakit?

Base naman sa sinabi ng pulis at mga nakakita, napagtripan ka daw ng mga nag-iinuman na nadaanan mo. Pinilit ka nila na ibigay mo yung perang
kinita mo para may pang-inom sila pero di mo binigay. Ayon sa mga nakakita, nakikiusap ka na wag nilang kunin kasi kailangan mong mag-uwi ng
pera para sa asawa mo. Kaya sinaksak ka nila sa sobrang inis nila sayo.

Sumisigaw ka na nagpapadala sa hospital agad kasi sabi mo kailangan mong mabuhay para sa amin ng anak mo. Pero di ka naman umabot. Sumuko ka
naman. Ni hindi mo ko hinintay.T*NGINA KIEL! Pinagpalit mo yung buhay mo sa halagang 300 pesos? Sana kasi binigay mo nalang. Sana kasi hindi ka na lumaban. Edi sana kasama pa kita. Edi sana mayroong ama ang anak ko. Pero alam ko na aasa nalang ako sa puro SANA. Na hanggang SANA nalang ang lahat.

Galit na galit ako Kopiko sa mga hayup na taong gumawa nun sayo. Nagdilim paningin nung iniharap silang tatlo sakin. Pinagsasampal ko na sila.
Lahat ng kaya kong gawing pananakit ginawa ko na. Pero kulang pa kopiko. Gusto ko silang patayin. Pero Diyos na ang bahala sa kanila.

Gusto ko na sanang magpakamatay sa sobrang sakit ng pagkawala mo. Kaso inisip ko yung bata sa sinapupunan ko. Alam kong hindi ka rin matutuwa
pag ginawa ko yun. Pinauwi na ako nila mama nung nailibing ka na. Tanggap na nila si baby. Sila nagcomfort sakin nung araw araw akong umiiyak
dahil sa nangyari. Humingi na sila ng tawad sakin. Maging sayo Kopiko. Sana napatawad mo na sila mahal ko.…

Link: https://www.facebook.com/valenzuela.khevz/posts/1372685916112417