Mr.Right

“One night, pagkatapos ko manood ng movies sa TV at wala nang ibang mapanood, pumasok na ‘ko ng kwarto at naisip kong makipag-usap na lang sa stranger kasi tulog na mga kaibigan ko, madaling araw na, and wala naman akong ichichika sa kanila kaya mas mabuti talagang stranger kausapin para mas interesting.

So tinype ko omegle.com tapos FEU interest. Una may nakausap ako, sobrang desperado yata at pinappunta ako sa dorm niya. Dedma. Disconnect. Then yung next na nakausap ko, siya na yung makakapagpabago ng tingin ko sa love. Hahahahaha!

Marami na ‘kong naging boyfriend, pero walang seryoso. Mabilis din kasi ako nagsasawa dati and bata pa ‘ko so wala talaga, parang laro lang, hahaha. April nung naka-chat ko siya, and ilang weeks na lang graduation na sa FEU, pero grumaduate ako ng college ng wala pang naka-holding hands man lang na lalaki or nakiss kahit sa cheek man lang na lalaki, ewan ko, di naman kasi ako excited and after nung mga naging relationship ko nung nasa high school ako (di kasi muna ako nagboyfriend ulit nung college para focus sa aral, hanggang dates lang muna, kasi kapag alam kong di ako sure sa guy, di ko inenext level kasi ayaw ko na makasakit dahil lang nagsawa ako or katulad ng mga naging reasons ko before). Prinomise ko rin sa sarili ko na yung magiging next ko is siya na rin yung magiging last ko and sa kaniya ko ibibigay lahat.

So balikan natin yung naka-chat ko. Almost similar kami, na gusto namin yun magigin next namin is last na. So after ilang months ng getting to know each other, yung dates and pagkakapalagayan ng loob, naging kami na.

Masaya kami. Ikakasal na nga kami. HAHAHAHAHA joke, magwowork muna kami pareho pero naka-set na yung gusto naming dates, kung ano gagawin namin pag magkasama na kami. Masarap sa feeling na binubuo niyo na yung future niyo together, ngayon ko lang din kasi yun naexperience, ngayon lang ako naka-feel na siya yung lalaking gusto ko makasama habang tumatanda ako.

Lesson? Wag ka magmamadali. It applies to all naman, sa love, work and other things. It pays to wait for the right time, dadating din yun para sa’yo.

Ang swerte ko lang kasi ngayon pa lang may kasama na ‘ko mag-build ng future ko, future namin. Sobrang blessed and swerte ko kasi siya yung napunta sakin, sobra niya akong mahal, nirerespeto and tine-treasure, and kahit sobrang pasaway ko and sobrang taray, iniintindi niya pa rin ako.

Ilang away man yung dumating, ang mahalaga maresolve niyo yan together, say sorry and itry mong i-win back ulit yung partner mo. Listen kung ano yung gusto niyang sabihin, tanggapin mo yung mali mo or magpatawad ka kung siya naman yung nagkamali at humingi ng tawad.

If you really love each other, tanggap niyo ang isa’t isa at gaya ng lagi niyang sinasabi sakin, mas matimbang yung love niya sakin kaysa sa flaws ko kaya kahit ilang beses man ako gumive up and mapanghinaan, nagpapakatatag siya para sa amin and ganun din ako sa kaniya.

Pahalagaan niyo lang ang isa’t isa and for sure magiging strong kayo together.

Kung nahanap mo na siya, wag mo na yan pakakawalan. Nag-iisa lang siya kaya kapag nasa iyo na, wag ka nang magkakamali pang saktan siya at palitan kasi stupid ka na masyado kung naghanap ka pa ng ibang walang laban kung ihahalintulad sa kaniya.

Hi Baby, surprise! I love youuuu! Ita-tag kita kapag na-post ‘to hahahahaha! I love you so much! Simba na tayo sa church na pagkakasalan natin ??”

Mk

Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

 

Link:https://www.facebook.com/FEUSecrets/?hc_ref=PAGES_TIMELINE&fref=nf