My One-ride boyfriend

Before magvalentine’s nung nagyari ‘to. Nagpa’promo si manong driver na 10php na lang daw sa bawat magsyota na magiging pasahero niya. So, here is the story, nung nakita ko yung naka’paskil sa loob ng jeep ni manong driver yung about sa discount natawa na lang ako at napaisip na kahit papaano pala may advantage yung may syota ngayon pero la eh nbsb ang ate niyo.

Nung nagstop yung jeep sa may stoplight malapit dun sa gate1 may eng’g guy na sumakay at nagkatabi kami ng hindi sinasadya. After niya sigurong magsettle-down nabasa niya na yung about sa discount at napasmile siya. (Shet guys, ang cute magsmile ni kuya pero syempre kailangan kong kumalma)
Naging smooth ang byahe at nawala rin sa isip ko na magbayad hanggang:
Non-verbatim

Kuya Eng’g: Bayad po. Magsyota yan.
Manong driver: Patingin ng gf mo.
*sabay akbay saken* *bumulong si kuya eng’g sabay sabing, “”sumakay ka na lang, tagtipid ngayon *smiles*””
Kuya Eng’g: Manong, eto po oh, akbay-akbay ko pa. Ganda po niya no?
Ngumiti na lang si manong at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Kinilig ako at the same time syempre nagulat pero just go with the flow na lang. Mas naunang bumaba si Kuya eng’g at di ko man nalaman name niya.

Sayang! Pero atleast nakalibre ako ng pamasahe pauwi. 15 din regular student fare ko pauwi ha. Pang-cheese sticks ko na rin yun. HAHAHAHAHAHA. ”

Babaeng Laging Nasstress ang Bangs

College of Commerce and Business Administration