MY ONLY ONE

Hi everyone! I just want to share my story. I was a former student of DLSUD when I was a frosh but I did not graduate there. I’m a Chinese-Filipino pero laki akong US kaya may pagka-liberated ako. I’m your typical badboy na unang tingin mo palang ay wala ng magandang future. Lagi akong suki ng mga pubs at club mapa sa US man o sa Pilipinas. I’m a party animal. I drink hell a lot. I flirt with girls. I smoke. Kahit ano, name it. Na-try ko o may experience na ako sa ganyan. Btw, underage pa ako nung mga panahong yan pero nagagawa ko na yan lahat dahil maimpluwensya/mayaman ang pamilya ko.

But my life literally changed when I met this girl. So to cut the long story short, I courted her for a year and naging kami since HS hanggang sa mag-college ako. Literal nyang binago ang buhay ko. Kung dati, lagi akong nasa mga club ngayon ni-hindi ko na maalala kung gano na ako katagal hindi nakarating dun. I even stopped smoking. Basta, lahat ng bad habits ko tinigil ko para sa kanya. Legal kami both sides pero ayaw sakin ng family nya. Basagulero daw kasi ako. Nalaman kasi nilang lagi akong nasasangkot sa gulo noon at nakakalusot lang dahil sa maimpluwensya ang pamilya ko. Nilayo pa sya ng parents nya sakin dahil pinadala sya sa New York. Pero tuloy parin ang forever kahit LDR kami for a year. 3 years na kami that time at 2nd year college na ako btw.

Hanggang sa nag decide akong tumira ulit sa US para kahit papano mas malapit sa kanya. Sa California ako, sa New York naman sya. Sobrang layo pa rin but still mas malapit na. Twice a month ako kung pumunta noon sa NY para lang magkita kami. Wala eh, mahal ko. So there, going strong ang relationship namin kahit na di maganda ang trato ng parents nya sakin. Pinagpatuloy ko rin ang pag aaral ko dahil gusto kong mapatunayan sa parents nya na deserving ako. Na may ipapakain ako sa girlfriend ko kapag kinasal na kami at hindi ako aasa sa binibigay na allowance sakin ng Dad ko, Ahma ko, at nung isa ko pang Lola. Our relationship went well hanggang sa 6th year anniversary namin.

On the day of our anniversary, she broke up with me through Skype saying, “I’m sorry, Andrew. I’m pregnant but you’re not the father.” My mind literally went blank. Of all the things that I sacrificed, yun ang isusukli nya sa’kin? Tang ina talaga. Di ko alam ang gagawin ko that time dahil kahit ganun, mahal na mahal ko pa rin sya pero galit na galit ako. Pero pinatawad ko sya dahil mahal na mahal ko talaga sya kahit na ganon and I even offered to be the father dahil iniwan nya nung pinalit nya sakin pero iniwan nya pa rin ako dahil nahihiya sya sa ginawa nya sakin. I know, ang tanga ko. Bigtime.

Lumipas ang apat ng taon, I’m now an engineer and currently working sa company ng tatay ko. I studied my ass off para may mukha na akong ihaharap sa parents nya at sa kanya. And guess what? Nalaman kong single pa rin sya at sa Manila na nakatira ngayon with her baby girl. Nagkaroon ulit kami ng communication nitong June lang at nagka-ayos na kami. And yes, of all the things that happened, pinatawad ko sya at handa akong balikan sya dahil siya lang talaga at wala ng iba. Btw, ready na ang flight ko this Aug 24 para i-meet sya at alukin sya ng kasal.

Pasensya na kung mahaba. Kaya kayo, hmmm… kung kayo talaga para sa isa’t isa kahit ano pa ang mangyari, kayo pa rin ang bandang huli kaya chill. 🙂

Andrew
College of Engineering, Architecture and Technology
(CEAT)
#Love

De La Salle University Dasmariñas
Link: https://www.facebook.com/DLSUDSF/posts/592234660958377