NGSB

Naranasan mo na bang mainlove sa isang lalaking NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH? Yung tipong gusto mo ikaw na mismo manligaw sa kanya. Pwes ako OO at eto nga un.

Itago na lang natin siya sa pangalang ‘PANALO’ siya yung tipo ng lalaki na walang ibang babae sa buhay niya kundi yung Nanay at kapatid niya lang, kaya isa yun sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Siya din yung tipo na sobrang galing makisama lalo na sa mga kaibigan niya.

Nag simula lang naman to nung July 2014 yung araw kung kailan bigla ko siyang napansin sa kabila ng pag kakabulag ko sa sakit na nararamdaman ng puso ko nung iniwan ako nung Ex Boyfriend ko. Hindi ko pinlano, hindi ko sinadya bagkus naramdaman ko na lang na iba na pala yung halaga niya sakin kaso nga siya yung tipo ng lalaki na hindi mahilig pumasok sa isang relasyon kaya naman hinayaan ko yung nararamdan ko.

Sa bawat araw na mag ka chat kami sobrang natutuwa ako kasi nga kahit papano e nag kakausap kami.

Sa paglipas ng mga araw at buwan hindi nag bago ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa mga lumipas na buwan na yun nandun yung dumating yung araw na nalaman niya, umamin ako sa kanya kaso WALA lang. Dumating din sa point na AYAW niya sa mga bagay na ginagawa ko hindi ko na babanggitin. Kaya naman iniwasan kong mahulog pa lalo sa kanya kaso hindi sumang ayon yung puso ko na hanggang ngaun e lihim ko pa din siyang minamahal kahit na alam kong alam naman niya ngunit hindi niya lang pinapansin. Wala e sayo ako e mahal kita kaso nga hindi pa panahon para sayo. Kaya kahit hindi magandang tingnan o malaman. MAGHIHINTAY AKO. Hanggang sa dumating yung oras na marealize mong nandito lang ako sa tabi mo kahit na binabalewa mo. Wo ei ni.

Viper

BPSU-main

#Love

Bataan Peninsula State University
Link: https://www.facebook.com/TheBPSUConfessionsIIOfficial/posts/1048975111814593