Nobela ng iyong kahapon

“Lumilipas ang panahon, kabiyak ng ating gunita ang mga puno’t halaman bakit kailangang lumisan” – Kanlungan?
Isang lumang tugtuging sumasaliw sa aking puso’t isipan, isang lumang awiting nagpapaalala sa aking masasayang nakaraan,
na lihis na’t di namaaari pang balikan.

Hayskul … Isa sa pinakapanapanabik na yugto ng ating kabanata. Isang tagpo na kung saan naranasan nating magkaroon ng tinatawag na “Crush”, “Girlfriend” o mga matatalik na kaibigan na kung tawagin ay “Bestfriend”.
Tulad ng isang puno, sasapit ang tagsibol at susundan ito ng taglagas. Sa ganitong paraan umiikot ang buhay ng isang tao.
Walang permanente, ika nga.Pero nakahanda ka bang tuklasin ang bagong bukana para sa bagong paglalakbay?
Hindi kaba nag-aalinlangang balikang muli ang tamis ng samahan at di-matatawarang halakhak at kulitan?

Mga pasyalang habambuhay na magiging saksi sa samahang pinagtibay ng inyong pagmamahalan,
mga ala-alang tila maririkit na paru-parung naglalaro sa iyong isipan.
Hayaan mo ang sarili mong masisid ang pinakamalalim nakaragatan at maakyat ang pinakamatayog na ulap.

Ito ang nagging hamon na sumubok sa aking katatagan, hamon na may bahid ng hudyat! Hudyat ng pagmulat ng mga mata ko sa maparaisong mundong kinabibilangan ko.Isang malaking hamon ang magbigay atensyon sa aking kasalukuyang kalagayan.
Limit mabakas sa aking mga labi ang namumuong pighati sa aking puso, maging ang paglasap ko sa lasa ng sariwang sugat meron ako.

Araw-araw akong nakikipagtagisan ng pasensya sa kaliwa’t kanang mga responsibilidad. Trabaho dito! Trabaho doon! Yan ang buhay ko ngayon.
Minsan, napapatanong ako sa sarili ko. “Naaalala pa kaya nila ako?” “Kamusta na kaya sila?”
Nasasabik na akong masulyapang muli ang maaamo nilang mga mukha.

Kaya kung pareho tayo ng nararamdaman, sabay-sabay nating balikan ang mga sariwang alaala meron tayo noong nakaraan,
sabay-sabay nating buksan ang nobelang isinulat natin noon. Nobelang muntik mo nang salimo’t ay ibaon.

Link:https://www.facebook.com/TheFEUTamarawConfessionsOfficial/posts/1296129423791661