Ordinary Annuity

“So I met this guy from the college na maraming gwapo & magaganda few months ago. We started off as friends, hanggang sa araw-araw na kaming nagkakatext and pasimple na siyang dumadamoves. Hahahaha. Kinikilig ako nun kasi tagal ko nang di naka-experience ng lovelife so ayuuuun. Sobrang sweet nya at na-feel ko naman na he really cared for me. Hanggang sa yun na nga, niligawan nya ‘ko.

I get this kind of kilig whenever we’re on a date, as in sobra. He’s funny & ang sarap kasama kasi sobrang komportable ko sa kanya. Then, I started falling for him. Ayokong aminin agad sa kanya kasi baka di na sya mag-effort. I thought it was okay to fall for him kasi ‘good boy’ naman sya and sobrang nakikita ko na yung effort nya nun.

One time, nagdadate kami tapos bigla nalang nya ‘kong binulungan ng “”I love you””. Di ko alam ano maffeel ko nun. Akala ko, finally, magiging masaya na ko. Sobrang saya ko that day at as in kilig na kilig ako pagkauwi ko sa bahay. =)))))

Until one day, di na sya nagparamdam or what. As a girl, alam ko na yun. Feel kong there’s something wrong. Tapos after a few days nagtext sya na he’ll stop courting me na daw bc of a lame reason. Alam kong di yun ang dahilan. Maybe may iba sya, or maybe ayaw na talaga nya. Masakit sakin kasi I expected so much from him. I really thought na he’s a potential boyf kasi he’s nice. At ang pinakamasakit sa lahat, mahal ko na ata sya.

That day, di ko alam. Habang pauwi ako, I’m trying my best not to cry sa jeep. Sobrang sakit. Sana pala di ko na sya hinayaang ligawan ako. Sana pala di na ko nag-try ulit. Sana pala di nalang ako na-fall.

So ayuuun. Sa guys out there, if you can’t finish what you’ve started, please naman, wag nyo na kaming ligawan. Kasi the mere fact na nanliligaw kayo, it would make us feel na seryoso kayo samin at mahal nyo kami. Bullshit kasi sa feeling nung parang iniwan ka sa ere. At para sayo naman, you deserve a slow clap dahil na-fall ako sa’yo. Sana maging masaya ka na.”

Ordinary Annuity
2012
AMV College of Accountancy