Pamilya Kunsintidor

(Please take time to read guys)
Alam niyo yung feeling na nagtiwala ka ng sobra sa isang tao pati sa pamilya nila pero it turns out na di pala sila nagpapakatotoo sayo? Sakit sa bangs pre.

So ito na nga, it was last year when we started talking or chatting rather. Ang totoo nyan, wala naman talaga akong balak na magseryoso nung nakachat kita kasi akala ko tomboy ka at to think sa dating site kita nakilala (sorry, no bad bread para sa nagdadating sites jan).

Well, to cut the story short, sinabi mo na lalake ka nga at mukhang nachallenge ang pagkalalake mo sa pagtatanong ko. Soon after, we became constant chatmates and a friend to lean on everytime sasabihin mo na gusto mo ng magmoveon sa ex mong pinagpalit ka sa tibo ( no hatred sa mga LGBT friends ko jan) and i actually thought that maybe there’s really real people behind this dating sites.

I REALLY THOUGHT.
Then we finally met. We even went to an out of town trip kahit hindi pa tayo coz I believe that for a span of time I became familiar with you, your life goals, your family and even about your exes. Kahit alam kong babaero ka talaga pero eto si tanga naniwala na magbabago ka. Naniwala na this time, magbabago ka nga. Na this time, ako nga talaga yung karma mo kasi iba ako. TANGA TANGA BESH DIBA? Galing galing magpaikot ng tao.

You even brought me to your party with your family. You made me feel that you are sincere. Na “KAKAIBA TONG BABAENG TO”. You also told me that at that time you supposed to ask me if you want me to be your girlfriend. HAHAHA What a nice thing to remember. You courted me kahit sinabi mo its not your thing. You also became public about the declaration of your feelings for me in your Facebook Account para mukhang legit. Lupet pre! We knew each others’ friends. Your family does too.

BUT HEY, ALAM MO KUNG SINO KA. Wag mo isipin na kaya ko sinulat to dahil gusto pa kita balikan. HAHAHA Nakakaawa ka.
Alam mo yung nakakatawa, ako pa yung lumabas na kabit dahil tumawag yung babae mo sa kabilang linya at the middle of the night at sabihin na magkasama kayo sa kama. Wag ka magalala pinicturan ka pa nya. TENGENE BESH. Gago mo po ano?

Na gulat na gulat sya ng malaman nya na ako rin pala girlfriend nya. Dapat nakita ko na noon pa na nagloloko ka, you didn’t even effort to visit me on Valentine’s day nor celebrate with me our supposed to be *FIRST MONTHSARY. HAHAHA What a shame. I brushed-it off all your alibis (kesyo may sakit ka, sasamahan mo yung nanay mo… etc.) and kahit sinasabi ng friends ko na hiwalayan na kita kasi wala kang kwenta, i covered all your flaws because i trusted and love you.

BUT IN THE END, alam pala ng mga kapatid mo na simula pa lang, ALAM NILA NA MAY NILILIGAWAN KANG IBA at may dinadala kang ibang babae sa bahay nyo khit alam nilang tayo pa. Na ipinakilala mo rin sya sa pamilya mo at balak niyo na rin magpakasal. Na tangina. Ako lang pala ang walang alam. Na ako eto, nagtatrabaho ng maayos kahit malayo sayo. Sana ininform mo man lang ako sa pagkakatanga ko sayo, or ng kahit ni isa sa pamilya mo para nakapag gown man lang ako di ba? Galing nyo gumawa ng drama. Paniwalang paniwala ang lahat.

Nakakadiri ka. Dahil hindi lang pala ako ang niloloko mo, dahil nagpakilala rin yung ibang babae mo sa akin (kilala nila ako, dahil ako yung nasa facebook mo) and To think pineperahan mo lang sila. At nakikinabang yung pamilya mo sa iba’t ibang babae mo. MASAYA BANG MARAMING BABAE? ANG SARAP SIGURO ANO?

Alam mo yung masakit na sobra? di dahil nambabae ka dahil alam ko gagawin mo talaga yun pero kundi pati pamilya mo niloko ako. Yung para akong tao-tauhan na akala mo totoo sila. Na baka di ko sila mahuli. Na baka pwede mo naman akong idispatya anytime. Pero hindi, gumawa ang mundo ng paraan para malaman ko ang totoo.

TAMA NGA SILA.

ONCE A CHEATER ALWAYS A CHEATER, DI NYO SILA MABABAGO KAHIT ANONG GAWIN NYO.
DI TOTOO ANG FACEBOOK RELATIONSHIPS KASI LAHAT LANG YUN BULLSHIT.
*sa mga nakakilala sakin jan, please wag nyo na lang ako itag. lol
to good to be true
AB

Link: :https://www.facebook.com/USTFiles/posts/1561073433937410