RULE no. 6

Hi! Sana mapost toh kasi gusto kong makainspire ng madaming brokenhearted jan haha
ayun, kwento ko lang ung story ko.

I had a long time boyfriend na itago nalang natin sa code name na A, Si A, highschool sweetheart partner ko. niligawan niya ako nung 4th yr hs kami at sinagot ko siya nung malapit na maggraduation. Si A, tahimik lang. pero gusto ko siya. mahal na mahal ko siya. Nung una ayaw sa kanya ng family at friends ko, pero dahil mahal ko siya.

nagpatuloy relationship namin for years. 5 years, if im not mistaken. kaya lang si A, nagloko siya. nagawa niya ako ipagpalit sa kachurchmate namin. hindi ko alam pero sobrang sakit ng puso ko nun, tinry ko. pinilit ko ilaban sobra. mahal na mahal ko siya kaya lang wala eh wala na talaga. di ko alam kung pano ako magmomove on that time kasi prehas ko silang nakikita sa church nung babae. ang sakit lang. sobra.
pero ngayon thankful ako dun sa lahat ng pains na un kasi I know may purpose un, at alam ko na kung bakit.
this reason brought me to omegle.

wala lang, sobrang depressed ako at tinry ko. at first may mga nakakausap ako na matino, may mga manyak din, may mga fboy pa nga. then napansin ko kapg taga UST ung nakakausap ko mejo pormal sila kausap. kaya un, nialagy ko sa interest UST.
then boom, may nakachat ako dun. male 22 .since moving on ang ateng niyo talagang kausap lang hanap ko. nakikipagchat ako kahit same sex kaso sila din nagddc hahahha. halatang sparks hanap.

tas un nga, may nakachat ako. okay naman convo namin. napunta kami sa usapan kung sino mas cute ganyan. tas suddenly nung mahaba na usap namin at komportable na kami magusap, biglang nawala si koya. 🙁 eh di ba pag omegle, pag di nagchachat ung isa, ma ddc na? akala ko nga nagdc na si koya eh. sayang naman hahaha tas naisipan ko magchat :

me: ui anyare sayo?
him: ikaw? anyare sayo?
me: hindi ka na kasi nagreply hahaha kala ko nagdc ka na
him: hala? nagreply ako.
me: hala wala kaya. sabi ko pa maliit ka lang sa height ng boys.
him: screenshot ko pa eh, nagreply talaga ako.

tapos dahil dun, nagbigayan kami ng viber. baka kasi mawala pa hahahhaa. pagdating namin sa viber, ayun hahahaha sinend niya ung screenshot na nagreply talaga siya at nagreply nga siya di ko lang nareceive hahahaha
november 24, 2016 kami nagstart magusap. after nun, tuloy tuloy na. walang araw na di kami magkausap. lagi kami magkachat pg galing ko ng church at pag galing work. siya naman bahay work lang inaatupag. dota player din.
nung unang week ng paguusap namin, nagbigayan kami ng rules, hahah . nakakatawa kasi kung ano anong rules binigay ko.

1. bawal kiligin
2. bawal isave photos or videos dito
3, 4, 5 di ko na matandaan hahaha

pero ung rule no.6 un talaga ung tumatak saming dalawa BAWAL MAINLOVE.
eh dahil kausap lang naman talaga ang hanap ko, ayun nga, hahah deal kung deal ako. lampake di ko naman siya gusto kasi di pa ko nakakamove on sa ex ko,.. hahaha

lagyan natin name si koya, M nalang 🙂 si M, sobrang bait tas sobrang kulit lang din. di ko nga alam bat nagtiyaga siyang kausap ako. Btw, taga ibang bansa pala siya hahaha nakalimutan ko sabihin hahaha. so un, may time difference na 3hrs ung phil. at ung bansa nila. hahaha di ko na sabihin baka makilala pa kami hahaha.

ayun, si M lagi ako hihintayin niyan pg galing ako work. di yan makakatulog ng di kami magkausap hahah, eh madalas nakakauwi ako 9 pm , so 12 midnight na sa kanila. syempre pguwi ko kakain pa ko, maghalfbath pa ko etc. mga 10 or 11 pa ako magsleep. ang koya niyo matikas hahaha talagang di siya matutulog hanggat di niya naririnig boses ko. nasanay na kasi kami magkausap.

lagi siyang nakikinig sa kwento ko, sa daldal ko sa lahat ng sinasabi ko kahit walang kwenta. kahit pinipilit ko na wag niya na ako hjntayin sa gabi, wala matigas talaga ulo niya. lagi ko pang sinasabi

me: ayoko masanay sa ganito
M: edi masanay ka lang 🙂

napakaconfident niya lagi pag sinasabi niya yan, ako naman natatakot. ayko kasi mainlove sa kanya saka ang layo niya teh nasa ibang bansa siya. tapos un nga MAY RULE NUMBER 6 pa. eh siya nagbigay nun, 🙁 kaya di ko talaga iniisip na magugustuhan niya ako.
until late feb, hahaha tinanggal niya ung rule na un. gusto niya alisin hahaha. may deal kasi kami, pag nanalo siya sa soccer ng 100 points ung sa messenger hahaha sabi ko pagbibigyan ko siyang magrequest sakin 🙂 (expected ko irerequest niya song cover ko or guitar cover ko ganern haha) , aba ang lolo niyo ginalingan nag 200 points sa soccer hahaha

tas un, ginamit niya un para magrant ko ung request niya na ALISIN UNG RULE NUMBER 6.
nung una napapaisip na ako kaso ayoko talaga mag assume na gusto niya ako, pano naman kasi sinasabi niya may crush siya tas pinay … eh di di talaga ako naasa.. basta friends lang kami. sabi ko kasi sa sarili ko “DO NOT ASSUME UNLESS OTHERWISE STATED”
kaya yun, kaso late feb, umamin si M. sabi niya

M: Babs, (tawagan namin, nagaasaran kasi kami baboy haha) i think, nagkakagusto na ako sayo
ako, sa kabilang linya tahimik lang hahahha muntangan natulala ako. pero kinonfront ko siya sabi ko di pa ako ready saka baka maging unfair ako sa kanya kasi nga halos 5 months plang nung naghiwalay kami ng ex ko, pero wala mapilit siya. liligawan niya daw ako kahit malayo siya.
ayun panay tawag, at effort lolo niyo. at dahil sobrang maeffort siya, late ng march may sinabi siya sakin ..

Him: Babs, i think alam
ko na magandang gift sayo.
me: hmm ano po? okay na ako dun sa magkausap tayo 🙂 dba magooff ka sa april __ ?
him: opo 🙂 pero may mas maganda akong gift sayo .
me: ??(looked at the picture sent)
him: uuwi po ako sa bday mo. yan ung ticket ko.

at ayun umuwi siya hahaha . umuwi siya at wala siyang ibang agenda kundi dahil bday ko nga hahaha ?? dahil jan, umuwi din ung nanay ko ng biglaan from saudi hahah tapos ayun, nagout of town kami buong family 🙂 ang saya lang.

ngayon, nakabalik na ulit siya sa bansa nila. nagwowork dun, 🙂 pero palagi pa din kami magkausap araw araw walang palya. hindi ako natatakot na magloloko siya kasi parehas naming ayaw ipadama sa ibang tao ung naramdaman namin sa pasts namin.

ung ex ko? ewan ko kung oks pa din sila ni ate girl. la na ako pake sa kanila hahaha nakamoved on na ako eh saka sobrang prinsesa ako ngayon sa bf ko 🙂 di ko lang inexpect na magmamahal pa pala ako ulit ng ganito at talagang may magmamahal sakin despite na hindi ako kagandahan at flat chested ako at di ako mapanga hahaha.(pinagpalit daw kasi ako kasi di ako sexy sabi ng tropa hahahah) ngayon kahit magkapimple ako, blooming pa din ako. haha

dati hindi ako naniniwala sa mga omegle love stories hahah. nung nangyari sakin, sobrang thankful ako kasi at the time you LEAST EXPECT IT, dun pala talaga dadating un 🙂

Ps.
iloveyou mahal ko, hintayin kita.
sa susunod kasama mo na ako bumalik jan sa bansa niyo. 🙂

ps.
sorry pala di ako writer, di ko alam pano ko icocompose ng ayos ung story ko hahaha
-BabsKongMahal

Link: https://www.facebook.com/USTFiles/posts/1547876575257096