Selfless Father

An open letter to all Daugther/Son who still have Papa on your side.

Okay, araw ng mga tatay ngayon. Dati normal na araw lang sakin to. Ni hindi ko nga alam ung buwan or mismong araw ng mga tatay basta may nakita lang akong nag post sa fb ng “Happy Father’s Day” at trending mag popost na din ako, tatag ko nalang Papa ko or mention (kht di naman talaga sya nag ffb)

Oo, alam nyang ginawan ko sya ng acct nya pero di naman sya talaga ganon ka interesado magbukas nun hindi naman kase ganon ka hilig si papa sa mga gadgets. Ako at ako lang din talaga ang naghahawak kaya ang labas e post ko, basa ko, ako lang din ang nakaka alam na binati ko sya sa fb ng fathers day.

Pero this year lang, nawala si Papa, inatake sya sa puso at isang iglap nagbago ang lahat. Biglang nagbago ang pananaw sa buhay. Mas pinahalagahan ko ang bawat segundo na lumilipas.

Narealize ko din dun sa mga Facebook page na nag popost na, “Isang beses ka lang magkakaroon ng Nanay sa mundo kaya dapat pahalagahan mo” naisip ko bkt Parang Nanay lang mas naaapreciate nila. Bkt nanay lang ang una mong hahanapin pag uuwi ka ng bahay. Im not saying na Dapat yung Ama ang mas paburan. Im saying na Sana pantay ang turing natin sa mga magulang natin.

Sana habang nanjan sila iparamdam niyo mahal na mahal niyo sila. Oo, Nababati ko si Papa taon taon tuwing Fathers day, walang labis walang mintis, Pero sa FB lang, never sa personal. Nababati ko rin sya ng Happy birthday pero nakasulat lang sa cake na bigay ko.

Nasabihan ko rin sya ng “I love you Papa” pero pilit dahil lasing sya nung time na yun pinangangaralan nya kami na may kasamang sinturon. Hindi ko makakalimutan yung araw na yun na sinabi nyang “Ni minsan hindi niyo ko sinabihang “I love you Papa, sige nga sabihin niyo nga sakin” Ang totoo nyan Gustong gusto ko sabihin saknya na mahal na mahal ko sya kung gaano ka swerte na may tatay akong tulad nya pero hindi ko alam kung bakit mas nangingibabaw ang Hiya ko sa pagsabi saknya ng ganon. Kaya nung araw lang na yun nasabihan ko sya ng I love you.

Hindi ko alam kung natatandaan nya ba kase nga nakainom sya. That was my First and last na sinabi ko saknya ang mga katagang yun.
Nasundan lng nung nasa morgue na kami. Yakap yakap ko sya habang binubulong kung gano ko sya ka mahal. Wala nga akong hiyang nararamdaman pero balot na balot ako ng takot at lungkot sa panahong nawalan ako ng Papa. Sobrang sakit parang gusto kong balikan ang lahat. Kaso hindi na pwede, hindi na maaari

Alam natin na ang buhay ng tao ay Iisa lang, hiram lang natin ito sa Diyos Nagsisisi ako sa mga panahong pinahiram sya samin pero hindi ko nasulit. Mahigit 21 years ko syang nakasama pero pakiramdam ko ang ikli. Sobrang ikli. Umaasa parin ako naisang araw anjan sya. Dadating lang sya bigla makikita ng dalawang mata ko. Yung tindig nya, yung hitsura nya. Yung Papa ko na na palabiro, yung papa kong hatid sundo ako sa school hanggang sa nagka trabaho ako. Nag resign ako nag apply ulit hatid sundo parin nya. Taga handa ng baon ko, taga bigay ng pera kapag kinakapos ako.

Katextmate ko kapag hindi sya agad nakakatulog sa mga araw na nasa malayong lugar sya sa byahe nya. Kakwentuhan ko habang nabyahe kami motor ride/ 4 wheels ride. At higit sa lahat ng namimiss ko pa yung mga araw na nagbibiruan tayo sa mga bagay bagay, nakakalimutan ko ung problema kase ang saya saya ko pag kasama kita.

Mag isa nalang akong nakikinig ng mga Air supply, Bee Gees, at Michael Learns to rock music. Sa ganitong paraan nalang kase kita mas nararamdama pa. Kapag pinakikinggan ko ung favorite nating kanta.

Sobrang mahal na mahal kita Papa, kaya lahat ng pinanghihinayangan ko noon, kay Mama ko pinararamdam ngayon. ? iingatan ko si Mama pa, ang babaeng Pinakamamahal mo, sumunod ako.

Till we meet again papa
*insert the song Tears in heaven by Eric Clapton*
PAPA’S GIRL
College of Business Administration

Link: https://www.facebook.com/UPSecrets/posts/738218036380077