The Ugly Girlfriend

Yung boyfriend ko gwapo. Ako panget. Yung boyfriend ko kilalang-kilala. Ako, hindi. Yung boyfriend ko makinis ang mukha. Ako hindi, kasi mahal ako ng mga pimples ko.

Nakaka pande (sorry for the foul word) leche yung magkasama kami ni boyfie tapos may makakasalubong kayong mga kaibigan niya tapos biglang:

“”Uy, *toot*, yan ba girlfriend mo?””

Tapos siyempre sasagot si boyfie ng oo, ipagmamalaki pa ako. Tas yung mga kaibigan/kakilala niya titignan ako na parang “”seryoso? Eto girlfriend niya? Nakakadisappoint.””

EH NAPUPUNO NA KO AH, so ginayuma ko si boyfie ganon? Kailangan supermodel ang girlfriend niya? Kailangan maganda? Sorry naman kung di ako nakapasa sa expectation niyo!

At ang mas grabe pa jan ay yung sasabihan si boyfie ng “”sus, mas bagay pa kayo ni *insert name ng magandang classmate*””

HELLO? NARIRINIG KO KAYO MGA BESTIE. Pukpukin ko kaya mga ulo niyo? Hala sige edi sila na bagay.

Pero pag sinasabi ko yan kay boyfie, ang lagi niyang sinasabi “”para sakin maganda ka naman e”” “”ikaw lang naman mahal ko e”” “”wala ko pake sa sinasabi nila””

Tsura neto, nambola pa. Walang forever uy! Pero pasalamat nalang ako na mahal niya ako kahit mukha akong kokey. Wala sa looks ang pagmamahal mga beh, kasi kung nasa looks ang pagmamahal, matagal ko nang pinakasalan yung poster ni Daniel Padilla kung ganon!

Kaya na motivate ako na pag may mangiinsulto nanaman ay sasabihin ko, “”oh bakit may reklamo ka? Boyfriend ko nga di nagrereklamo, ikaw pa kaya?”” Nananahimik sila haha!

Pak ganern lang mga bes, kasi naiinggit lang sila sakin na may papi ako kahit panget ako, e sila kahit ubod ng ganda, la pa rin! ?

Panget
College of Engineering, Architecture and Technology
(CEAT)

#Fun
#Love

De La Salle University Dasmariñas
Link: https://www.facebook.com/DLSUDSF/posts/588964271285416