When I was your Man

Magkaklase tayo since highschool. We were seatmates kasi nga parehos tayong M ang start ng surname. Sayo ako humihingi ng papel. Sayo ako kumokopya ng homeworks at kapag may quizzes. I asked you to be my promdate at pumayag ka naman. Since that day we became close with each other. Sabay tayong nag-entrance exams sa UP at UST. Hindi tayo pinalad sa UP pero sa dream school mo which was UST nakapasa tayo. Travel Management ang course mo habang ako Mechanical Engineering. We always hang out together. Lagi tayong magkasam during our free time. For three consecutive years ikaw ang Paskuhan buddy ko. Sabay nating sinusulyapan ang mga fireworks. Niligawan kita at after a few months sinagot mo na ako. We had ups and downs in our relationship. Napakaplayboy ko kasi even we were together nakukuha ko pang magtext at makipaghang out sa ibang mga babae.

Pero despite of that you still love me. Hanggang ayun niloko kita. Iyak ka ng iyak nun. We lost our communication hanggang binalita sa akin ng blockmate mo na nagkakamabutihan na kayo ng professor mo. I still love you that time at ayokong mapunta ka sa kanya. Kaya I tried to text you again hanggang napatawad mo na ako. Then, nagkamabutihan ulit tayo. Niligawan kita at sinagot mo ulit ako. Ang saya saya ko na akin ka na ulit. Pero napakatanga ko nga talaga na sinayang ko yung second chance na binigay mo sa akin. I cheated on you again.

So we broke up. At ngayon balita ko nga kayo na ng ideal man mo. Ikakasal na kayo ng professor mo. Sinayang ko yung two years na mayron tayo. Oo, mahal pa rin kita mahal na mahal pero hindi ako deserving para sayo. Hanggang ngayon pinagsisihan ko yung mga panahon na akin ka. I wasted the second chance that you gave to me. Mamiss ko yung mga moments na kasama kita. Yung pamamasyal natin sa mall. Yung sabay nating panonood ng sine at pagpunta sa concert. Yung kasama kita lagi sa library. Yung hatid sundo kita sa inyo. Sabay nating pagsimba sa Ust chapel.

Lahat ng yun na hindi na natin mauulit pa. Magagawa mo na yun kasama siya. Hindi man naging masaya ang experience ko sa Ust atleast natuto ako mula sa mga pagkakamali ko. Salamat at nakilala kita. Hindi man naging tayo pero tandaan mo minahal kita, mahal kita at mas mamahalin pa kita.

Habang buhay kong pagsisihan ang pinakawalan kita my Cinderella. At sayo prof, you are a lucky man. Sana ingatan mo siya hindi tulad ng ginawa ko. Mahalin mo siya higit pa sa pagmamahal ko at higit sa lahat wag mo kong tutularan. Salamat sa pag-imbita mo sa akin sa kasal niyo upang kumanta. Masakit man sa akin pero para sayo Mahal gagawin ko. Hindi man happy ending ang love story natin atleast naging happy ako makasama ka. Oo tama kayo, may forever sa inyo basta kumapit at magtiwala ka lang.


Cinderella’s Ex Lover
Engg